Chinese Horoscope; Agosto 13

0
750

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

May isang tao na magtatangkang hadlangan ang iyong mga plano. Pero wala kang dapat ipag-alala dahil what’s meant to be will find a way. Kaya naman kahit anong mangyari ay aayon pa rin sa’yo ang kapalaran.

Masuwerteng numero; 13,25,36,38

BAKA (OX)

May bago kang makikilala sa isang pagtitipon. Isang tao na ipadadala sa’yo ng Diyos para makatulong sa mga problema mo. Maaring hindi pa sa ngayon subalit sa mga darating na araw ay kakailanganin mo siya sa hindi magandang sitwasyon na kakaharapin mo.

Masuwerteng numero; 55,56,67,71

TIGRE (TIGER)

Mag-ingat sa mga taong iyong makakasalamuha sa ngayon. Isa sa kanila ang maghahatid sa iyo ng hindi magandang vibes. Maging mapanuri sa mga taong kinakausap at pinagkakatiwalaan mo. Isang pagkakamali mo ay malalagay ka sa alanganin.

Masuwerteng numero; 16,27,43,47

KUNEHO (RABBIT)

Iwasang magdesisyon kapag ikaw ay nakainom. Kapag wala ka sa wisyo ay maraming bagay kang magagawa na maaari mong pagsisihan sa huli. Mas prone ka sa mga pagkakamali kaya’t pag uminom ay inom lang.

Masuwerteng numero; 10,14,22,25

DRAGON (DRAGON)

Makakaramdam ka ngayon ng kalungkutan sa isang hindi malamang dahilan. Marahil isang mahal mo sa buhay na nasa malayo ang labis na nag-aalala sa’yo. Maging positibo upang mapaglabanan ang kalungkutan o depression.

Masuwerteng numero; 13,22,31,40

AHAS (SNAKE)

Mabibighani ka sa iaalok sa’yong negosyo ng isang kakilala. Masyadong matamis ang kanyang dila kung kaya’t hindi nakapagtataka kung makuha man niya ang interes mo. Bago ka magbitaw ng pera ay pag-aralan muna itong mabuti.

Masuwerteng numero; 15,27,28,30

KABAYO (HORSE)

Maging talunan ka man ngayon, hindi ibig sabihin ay magiging talunan ka rin bukas. Bilog ang mundo at at umiikot ang orasan. Bawat oras ay may pagbabagong nagaganap sa buhay ng isang tao kaya’t manalig kang magaganap din ang suwerte mo.

Masuwerteng numero; 8,19,20,23

TUPA (SHEEP)

Hindi lahat ng tao ay mapapaayon mo sa kagustuhan mo. May mga kasamahan ka sa trabaho na kokontra sa mga nais mong mangyari. Kaya’t mahihirapan ka na ipagpatuloy ang iyong proyekto. Lumaban ng patas.

Masuwerteng numero; 10,15,27,28

UNGGOY (MONKEY)

Kung nais mo ng pagbabago sa iyong buhay, ngayon na ang tamang araw para magsimula. Umpisahan mo ito sa pagbabago ng iyong daily routine. Ang pagiging organisado sa lahat ng bagay ay makatutulong ng malaki.

Masuwerteng numero; 3,11,24,29

TANDANG (ROOSTER)

Kung ayaw mong makarinig ng mga hindi magandang salita ay iwasan mong makipagkuwentuhan sa mga kapitbahay mong tsismosa. Dagdag bawas lamang ang maririnig mong kwento mula sa kanila at ikaw ang sasalo lahat no’n sa bandang huli.

Masuwerteng numero; 16,33,34,46

ASO (DOG)

Sadyang may mga bagay na hindi na dapat pang malaman ng isang tao kung labis itong makakasakit sa kanya. Subalit kung minsan ay kailangan ding harapin ang lahat ng sakit upang mas higit na maging matatag.

Masuwerteng numero; 1,12,49,50

BABOY (PIG)

Kung nagagalit man ang iyong mahal dahil sa ikaw ay nagkamali, tanggapin mo na lang at humingi ka ng tawad. Galit siya sa ginawa mong pagkakamali, subalit sa’yo bilang ikaw ang kanyang mahal ay hindi niya magagawang tuluyang magalit.

Masuwerteng numero; 48,51,66,70

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne Youtube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here