Chinese Horoscope Agosto 12

0
216

Madame Winn

Ako'y 50 taong gulang na ngunit kayang-kaya ko pa ring mabasa ang sinasabi ng iyong kapalaran. Hangad ko ang kaligtasan at kalusugan ng sinumang magbabasa ng Chinese Horoscope natin.

Latest posts by Madame Winn (see all)

Tunghayan ang Chinese Horoscope Agosto 12.

Daga (Rat)

Lagi ka mang bigo sa pag-ibig, hindi ka pa rin dapat sumuko. Basta ang pangako ng kapalaran sa’yo, matatagpuan mo rin ang tinadhana para sa’yo. Sana ay lagi mo na lamang isipin na habang may buhay, mayroong pag-asa.

Baka(Ox)

Huwag mong iiwanan ang iyong trabaho ng hindi natatapos. Tinitiyak ko sa’yong hindi mo magagawa ng maayos ‘yan dahil wala na ang konsentrasyon mo sa’yong tinatapos. Ang gusto mo na lamang ay mai-submit ‘yan.

Tigre (Tiger)

Kung single ka, marami kang maidi-date. Lagi kang magkakaroon ng lovelife. Gayunpaman, huwag mong asahan na ang pakikipagrelasyon na hindi gaanong kinikilala ang isang tao ay magtatapos talaga sa kasalan.

Kuneho (Rabbit)

Kung lagi mong binubungangaan ang iyong partner, hindi magtatagal ang inyong relasyon. Ang ibig kasi niya ay ang taong magmamahal sa kanya, hindi ‘yung nanay na papagalitan lang siya. Kaya, hinay-hinay sa pagsasalita. Hindi porke alam mo ang tama, iyon na ang dapat mong gawin.

Dragon

Masuwerte ka ngayong araw na ito kaya huwag ka na mag-alala pa. Basta ang gawin mo, ngumiti at maging magalang para ang suwerte mo ay hindi na matapos pa. Magtapos man ang araw, mayroon pa namang bukas at sa susunod na bukas.

Ahas (Snake)

Huwag kang maging mapanlait. Hindi porke may hindi maganda sa isang tao, sisiraan mo na siya at magsasabi ka sa kanya ng masama. Kapag ganoon ka, baka makarma ka. Tandaan mo rin ang buhay ay parang gulong.

Kabayo (Horse)

Tapat ka sa mga taong nakakasalamuha mo, kilala mo man sila o hindi. Wala sa bokabularyo mo ang maging mapanghusga kaya naman marami ang nagkakagusto na gawin kang BFF. Maging ang mga nagiging karelasyon mo ay hindi ka nagagawang kalimutan.

Tupa(Sheep)

Huwag mong pagkakatiwalaan ang taong mahilig mag-offer ng business dahil hindi niya gustong tulungan ka. Ang hangad lang kasi niya ay pagkakitaan ka. Kaya, huwag kang papasok sa negosyong wala naman talagang kasiguraduhan.

Unggoy (Monkey)

Gawin mo nang maayos ang trabaho mo para magkaroon ka ng points kay bossing. Tiyak kasing matutuwa siya ng husto sa’yo kapag the best ang trabahong ginawa mo. Basta gawin mo ang trabaho mo ng buong puso.

Tandang(Rooster)

Pangarap mong magkaroon ng viral video kaya naghahanap ka ng kakatwang bagay. Maganda naman ‘yan kasi kailangan mong mag-ingat. Baka kasi mamaya, ikaw din ang maging lamang ng viral video. Ingat lang palagi.

Aso (Dog)

Ang pinakamahusay na guro ay ang mga taong hindi nagkukunwari. Sila ‘yung sinasabi kahit masakit dahil ang ibig lang naman nila ay itama ka.

Baboy(Pig)

Marami kang natanggap na regalo kaya naman masaya ka. Sana nga lamang ay magbahagi ka rin ng kasiyahan sa ibang tao. Ika nga, share your blessings.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope Agosto 12.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here