Chinese Horoscope; Agosto 11

9875

DAGA (RAT)

May taong magsasamantala ng kahinaan mo sa isang bagay. Dahil makikita niya ang kawalan mo ng kakayahan dito kaya naman aalukin ka niya ng oportunidad kuno. Huwag agad magtiwala at matutong magtanong sa iba.

Masuwerteng numero; 12,13,20,22

BAKA (OX)

Ang pagbabakasakali mo na subukan ang isang bagay na may kaugnayan sa pagkakakitaan ang siyang maghahatid sa’yo ng malaking suwerte. Pikit mata mo lang itong tatanggapin at magugulat ka na lang sa magandang bunga nito. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 5,7,9,15

TIGRE (TIGER)

Hindi na magiging mahalaga ang nagdaan. Mas nakapokus ka ngayon sa kung anong klase ng kinabukasan ang maibibigay mo sa iyong pamilya. Gusto mo ng magconcentrate dito at sa pagpapalago ng inyong kabuhayan.

Masuwerteng numero; 50,56,58,60

KUNEHO (RABBIT)

May magandang balitang matatanggap mula sa malayong lugar. Ikakatuwa mo ito pero hindi ng iyong pamilya. Mas aalalahanin nila ang magiging kalagayan mo kung sakali kaysa sa tatamasahin mong pera mula roon.

Masuwerteng numero; 10,20,34,35

DRAGON (DRAGON)

Magkakaroon ka ng pagdadalawang isip tungkol sa nalalapit na pag-aaral ng iyong mga anak. Hindi ka sigurado kung talaga bang makakasabay kayo sa tinatawag na new normal at distance learning kaya maguguluhan ka kung magpapatuloy sila o hihinto na lang muna. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 17,28,33,44

AHAS (SNAKE)

Dahil sa mga nagawa mong pagkakamali sa trabaho nitong nakaraang araw kaya naman matututo ka na. Isa-isahin mo ng mabuti ang mga detalye at iiwasan mo na rin na ipagkatiwala sa iba ang dapat ay ikaw ang nag-aasikaso.

Masuwerteng numero; 42,43,47,49

KABAYO (HORSE)

Hindi ka makakapagpasya ngayon hangga’t hindi mo pa naririnig ang opinyon ng nakatatanda sa inyong pamilya. Malaki ang tiwala mo sa kanya sa maraming bagay kaya naman mahalaga para sa’yo ang kanyang opinyon. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 18,19,23,27

TUPA (SHEEP)

Hindi ka na mahihirapan sa iyong transportasyon dahil may magbo-volunteer para ihatid at sunduin ka sa iyong pinapasukan. Medyo maaalangan ka nga lang dahil hindi mo pa siya lubusang kilala pero manghihinayang ka naman sa tulong niya.

Masuwerteng numero; 13,14,16,25

UNGGOY (MONKEY)

Gawin mo lang kung ano ang nararapat. May mga tao talaga na sadyang walang palabra de honor pero hindi ka pa rin natuto mula sa iyong mga karanasan. Kaya naman dapat mo ng pag-isipan ang susunod mong hakbang. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 67,69,70,71

TANDANG (ROOSTER)

Mawiwili ka sa bago mong pinagkakaabalahan ngayon. Hindi lang siya basta isang libangan para sa’yo kundi alam mo na nalilinang din ang iyong kakayahan sa larangang ito at iniisip mo na pagkakitaan balang araw.

Masuwewrteng numero; 20,30,31,34

ASO (DOG)

Malaya ka ng magagawa ang anumang naisin mo ngayong nag-iisa ka sa bahay. Medyo matagal ka pang mag-iisa dahil ang iyong mga kasama sa bahay ay nagpasyang manatili muna sa kung saan man sila naroon ngayon.

Masuwerteng numero; 6,9,17,18

BABOY (PIG)

Wala sa isip mo na mapagbibigyan ang kahilingan ng isang kaibigan. Masyado ka kasing abala sa ibang bagay. Pero wala ka namang pagsisisihan sa iyong naging biglaang pasya dahil marunong tumanaw ng utang na loob ang iyong kaibigan.

Masuwerteng numero; 57,62,63,75

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here