Chinese Horoscope Agosto 11, 2022

DAGA (RAT)

Makakaramdam ka ng pananakit ng tiyan. Magpatingin sa doktor kapag maghapon itong hindi nawala.Huwag manghihinayang para sa ikabubuti ng kalusugan. Bigyan ng atensyon ang sariling pangangatawan.

Masuwerteng numero; 15,24,26,30

BAKA (OX)

Muling iiral ang pagiging maawain mo sa paglapit sa’yo ng isang kamag-anak na nangangailangan ng tulong ngayon. Mas mabuti na ang tumutulong kaysa tinutulungan kaya’t ibigay mo lang kung ano ang iyong makakayanan.

Masuwerteng numero; 2,13,15,44

TIGRE (TIGER)

Hindi ka magdadalawang isip na tanggapin ang alok ng iyong boss. Alam mo na makakatulong ito hindi lamang sa’yo kundi maging sa iyong pamilya kaya’t iga-grab mo ang pagkakataon na ito kahit pa may kaibigan kang masasagasaan.

Masuwerteng numero; 7,18,35,57

KUNEHO (RABBIT)

Magiging maluwag ka ngayon sa pera. Mas makakabuti kung magtatabi ka pa rin para sa kinabukasan. Iwasan na gumastos sa mga bagay na hindi naman gaanong kailangan, lalo na sa mga pagkain na hindi healthy sa katawan.

Masuwerteng numero; 6,7,18,19

DRAGON (DRAGON)

Kahit na feel na feel mo nang magresign dahil hindi ka na masaya sa trabaho mo ay magkakaroon ka pa rin ng pagdadalawang isip dahil isasaalang-alang mo ang kalagayan ng iyong pamilya. Kung mawawalan ka ng trabaho ay mahihirapan sila at ikaw rin.

Masuwerteng numero; 35,46,67,68

AHAS (SNAKE)

Isang mahalagang okasyon ang makakalimutan ng iyong mahal kaya naman todo emote ka ngayong araw na ito. Hindi makakatulong ang pagtatago mo ng nararamdaman. Mas makakabuti kung sasabihin mo sa kanya ang iyong ipinagdaramdam.

Masuwerteng numero; 12,29,40,61

KABAYO (HORSE)

Magandang araw ito para sa pagbibiyahe. Maging maulan man ang panahon ay hindi ito makakahadlang sa gaan ng byahe para sa’yo, sa halip ay makakatulong pa ang ulan para maging payapa ang bawat oras mo sa daan kung ikaw ay nasa safe na sasakyan.

Masuwerteng numero; 10,14,47,59

TUPA (SHEEP)

Walang maitutulong sa’yo ang pagmamatyag mo sa kanya sa social media.Masasaktan ka lamang sa mga makikita at mababasa mo kaya mas makakabuti kung iiwasan mo na lang ito at sisimulan na magmove on.

Masuwerteng numero; 9,21,32,30

UNGGOY (MONKEY)

Magkahalong saya at lungkot ang mararamdaman mo sa isang balitang matatanggap mula sa isang kaibigan. Mahihirapan kang mag-apuhap ng salita na maipapayo mo sa kanya dahil alam mong masaya siya sa kanyang ginagawa.

Masuwerteng numero; 5,6,23,38

TANDANG (ROOSTER)

Talasan mo ang iyong pakiramdam. May mga ginagawa sa iyong likuran ang ilang tao na pinagkakatiwalaan mo. Mag-ingat sa pagbibigay ng mga personal na impormasyon dahil dadalhin ka nito sa isang kumplikadong sitwasyon.

Masuwerteng numero; 40,56,57,71

ASO (DOG)

Iwasan mong magbitaw ng mga masasakit na salita sa iyong mahal. Lalo na ngayon na meron siyang pinagdaraanan. Hindi ito makakatulong sa kanya, sa halip ay tulungan mo siyang makapag-isip ng solusyon sa problema niya.

Masuwerteng numero; 17,50,67,68

BABOY (PIG)

Hindi man maging maganda ang araw na ito para sa’yo dahil sa pagsulpot ng ilang maliliit na problema, marami ka pa ring dapat ipagpasalamat sa Diyos dahil hindi pa niya binabawi sa’yo ang iyong buhay at nasa tabi mo pa rin ang mga taong nagmamahal sa’yo.

Masuwerteng numero; 12,32,45,46