Chinese Horoscope Agosto 10

0
833

Madame Winn

Ako'y 50 taong gulang na ngunit kayang-kaya ko pa ring mabasa ang sinasabi ng iyong kapalaran. Hangad ko ang kaligtasan at kalusugan ng sinumang magbabasa ng Chinese Horoscope natin.

Latest posts by Madame Winn (see all)

Tunghayan ang Chinese Horoscope Agosto 10.

Daga (Rat)

Hindi man kayo magkaedad ng kasama mo, click pa rin ang samahan ninyo. Ang dahilan, mataas kasi ang pagmamahal at respeto ninyo sa isa’t isa. Nagagawa rin ninyong sabihin ang laman ng puso’t isipan ng bawat isa. Mapalad ka at may taong tunay na nagmamahal sa’yo. Huwag mo siyang hahayaang mawala sa’yong buhay.

Baka(Ox)

Huwag mo na lamang pansinin ang mga taong nega ang tingin sa’yo dahil lamang sa pagpapatawa mo. Ang importante lang naman kasi, magawa mong pagaanin ang loob ng mga taong nasa paligid mo. Ang kasiyahan kasi ng iba ang lubos na magpapasaya sa’yo.

Tigre (Tiger)

Maraming dahilan para ikaw ay magtagumpay. Isipin mo ang mga mahal mo sa buhay, pati na rin ang payo ng mga magulang mo. Huwag mo na kasi intindihin ang mga wala sa’yong buhay. Ang dapat, magpasalamat ka sa mga naririyan sa buhay mo. Magkaroon ka ng kakuntentuhan at sinisiguro ko sa’yong magiging maligaya ka. Bukod doon, susuwertehin ka pa.

Kuneho (Rabbit)

Mali ka kung inaakala mong sapat na ang salapi para maging maligaya ka. Tandaan mo, hindi mo naman ‘yan mapapakinabangan kapag namatay ka. Ang dapat mong gawin, magbahagi ng suwerteng nakakamtan mo para magtuloy-tuloy ang pagdagsa ng suwerte. Kasabay nito, magiging maligaya ka. Hindi lang ngayon kundi sa habambuhay.

Dragon

Kalimutan mo ang magandang iniu-offer sa’yo kung alam mo namang hindi ka magiging masaya. Kailangan mo ring alalahanin ang mga taong nasa paligid mo. Kung may kumokontra sa’yo, pakinggan mo rin ang kanyang ideya. Baka mamaya nga, isasalba ka lang niya sa kapahamakan na maaaring mangyari sa’yong buhay.

Ahas (Snake)

Makipag-ugnayan ka sa’yong kapamilya o kaibigan na may sama ka ng loob. Hindi na importante ung sino nga ba ang may kasalanan. Ang dapat, mawala na sa puso mo ang animang hinanakit. Hindi kasi ‘yan makakatulong para guman ang iyong dibdib. Magpatawad ka kung may kasalanan sila sa’yo o humingi ka sa kanila ng tawad.

Kabayo (Horse)

Magkaiba man ang paniniwala ninyo ng mahal mo, okay lang ‘yan. Hindi dahilan ‘yan para kayo ang magkasira. Kung talaga kasing nagmamahalan kayo, kailangan ay magbigayan kayo. Makabubuti rin kung igagalang ninyo ang paniniwala ng bawat isa. Mapalad ka sa kulay pula. Huwag mo hahayaang mawalan ka ng p0era sa bulsa o pitaka dahil ‘yan ang magsisilbing pampasuwerte mo.

Tupa(Sheep)

Planuhin mo ang anumang pinapangarap mo o ang buhay mo. ‘Yan ang magiging daan para mas gumanda ang takbo ng buhay mo. Bukod diyan, lagi kang maging mabait. Kilala mo man ang isang tao o hindi, siya ay igalang mo.

Unggoy (Monkey)

Kung mayroon ka mang masakit na pinagdaanan, lumuha ka. Masakit talaga kapag nabigo ka o nawala ang taong mahal mo. Kaya lang, kailangan mo rin namang mag-move on. Tanggapin mo ang katotohanang iyon para pagkalipas ng ilang panahon, magawa mo na ring maging masaya. Kaya, umpisahan mo nang ngumiti.

Tandang(Rooster)

Marami mang oportunidad na lumalapit sa’yo, huwag kang maging mayabang. Hindi ka pa rin naman kasi nakatitiyak kung magtatagumpay ka. Kaya, huwag kang magmamalaki agad sa mga taong nakatulong sa’yo. Baka maging daan pa ‘yan para bawiin ng langit ang suwerteng dapat ay nasa palad mo na.

Aso (Dog)

Maging matatag ka kahit na nag-iisa ka. Kung minsan, mas maigi pang wala kang kasama kung hihilahin ka lang naman niya pababa. Kaya, pilin mong mabuti kung sino ang nakakasama mo sa’yong buhay. May pagkakataon kasi na madali kang magtiwala kaya naloloko ka.

Baboy(Pig)

Matuto ka ring makinig sa ideya ng mga taong nasa paligid mo. Hindi lang naman ikaw ang matalino kaya tigilan mo ang pagiging mapagmadaas. Baka kapag may napikon sa’yo, maisipan pa niyang saktan ka. Kaya, sa halip na kasamaan, kabutihan ang ibigay mo sa ibang tao lalo na sa mga taong madalas mong makasama.

Salamat sa pagbasa sa Chinese Horoscope Agosto 10.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here