Chinese Horoscope Abril 9, 2021

731

DAGA (RAT)

Hindi mo magagawa nang mabilisan ang proyektong gusto mo na maging successful. Dapat mong pagsikapan at pagtiyagaan na malaman ang ultimo kaliit liitang detalye upang makaiwas ka sa posibleng pagkakamali.

Masuwerteng numero; 1,22,25,30

BAKA (OX)

hindi man maging maganda ang mga unang oras mo ngayon sa trabaho, bago naman matapos ang araw ay muli itong aaliwalas dahil sa magandang balita na matatanggap mula sa mga tao na nasa matataas na posisyon.

Masuwerteng numero; 17,21,33,41

TIGRE (TIGER)

Hindi ito magandang araw para sa komprontasyon. Hindi makakabuti kung sasalubungin mo ang init ng ulo ng iyong kapareha. Kahit pa alam mong nasa katuwiran ka, may tamang oras para ipaliwanag sa kanya ang iyong panig.

Masuwerteng numero; 16,20,24,45

KUNEHO (RABBIT)

Oras na para aminin sa kanya ang iyong pagkakamali. May mga bagay na pilitin man natin gawing tama kung ito ay sadyang mali, hindi natin ito magagawang itama. Tanggapin mo na lang na ikaw ay nakagawa ng hindi tama at huwag na itong ulitin.

Masuwerteng numero; 5,12,35,46

DRAGON (DRAGON)

Maganda ang pasok ng biyaya para sa’yo ngayong araw na ito. Bukod sa iyong inaasahan ay may mga karagdagang blessings pa ang matatanggap. Mas dadami pa ito kung matututo ka na ibahagi ito sa alam mong nangangailangan.

Masuwerteng numero; 6,33,39,50

AHAS (SNAKE)

Magkakaroon ka ng pagdadalawang isip na pasukin ang isang trabaho. Ang pagdadalawang isip mo ay bunga ng pagsasaalang-alang mo sa dalawang mahalaga sa iyong buhay at ito ay sa pagitan ng iyong pamilya at kabuhayan.

Masuwerteng numero; 26,48,52,67

KABAYO (HORSE)

Aanihin mo ngayon ang tagumpay na iyong hinahangad. Damhin mo na ito sa abot ng iyong makakaya. Sa kabila nito ay hindi ka magkakaroon ng kapanatagan dahil alam mo sa sarili mo na meron kang mga natapakang tao.

Masuwerteng numero; 10,12,13,15

TUPA (SHEEP)

Isang hindi magandang salita ang mabibitawan ng sa’yo ng isang kamag-anak na malapit sa iyong puso. Sinasadya man niya ito o hindi ay masasaktan ka pa rin at daramdamin mo ito sa loob ng maghapong lilipas.

Masuwerteng numero; 25,34,67,68

UNGGOY (MONKEY)

Sa kabila ng mga problemang kinakaharap, lalapitan ka pa rin ng suwerte dahil nakakabit sa iyong pagkatao ang suwerteng wala sa iba. Panatilihin ang positibong pananaw sa kabila ng mga hindi magandang pangyayari.

Masuwerteng numero; 28,29,33,40

TANDANG (ROOSTER)

Kaiinipan mo ang pagdating ng isang bisita na nung isang araw mo pa hinihintay. Labis ang pananabik mo sa kanya dahil sa tagal nang hindi nyo pagkikita at kasasabikan mo rin ang balitang bitbit niya. Hindi ka mabibigo ngayong araw na ito.

Masuwerteng numero; 22,38,47,65

ASO (DOG)

Wala kang dapat baguhin sa pakikitungo mo sa iyong kapwa lalo na sa sinuman sa iyong mga kaibigan. Ang pagbabagong magaganap sa pagitan nyo ay sila ang may gawa at hindi ikaw kaya wala kang dapat ipag-alala dahil nasa kanila ang problema.

Masuwerteng numero; 8,19,22,31

BABOY (PIG)

Malalaman mo na ang solusyon sa problema mo ngayong araw subalit hindi mo pa ito magagawa. May ilang hadlang pa na dapat mo munang maalis sa iyong sistema bago mo magawa ang solusyon na ito na magtutuldok sa problema mo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here