Chinese Horoscope; Abril 9

190

DAGA (RAT)

May matatanggap kang tawag mula sa kaanak na nasa malayong lugar. May maganda at hindi magandang balita siyang hatid para sa inyong pamilya. Kaya naman hindi mo alam kung matutuwa ka o malulungkot.

Masuwerteng numero; 7,18,25,30

BAKA (OX)

Hindi mo maiaalis sa ibang tao na magduda sa iyong kakayahan. Gayunpaman, alam mo na kailangan mong ipagpatuloy ang iyong ginagawa sa abot ng iyong makakaya sa kabila ng mga matatanggap na pagbatikos.

Masuwerteng numero;

TIGRE (TIGER)

Mahihirapan kang magdesisyon sa araw na ito dahil marami ka pang kailangang isaalang-alang. Hindi ka makakapag-isip ng tama sa dami ng stress sa paligid. Kaya naman kakailanganin mo pa ng ilang araw na pag-iisip.

Masuwerteng numero; 3,11,13,24

KUNEHO (RABBIT)

Magiging abala ka ngayon sa pagpeprepare ng mga pagkain para sa iyong pamilya. Kung dati ay wala kang hilig sa pagluluto at wala kang masyadong alam dito, sa ngayon ay magiging interesado ka na matuto pa

Masuwerteng numero; 16,26,35,43

DRAGON (DRAGON)

Makakaramdam ka ng labis na katamaran sa araw na ito. Yung tipong wala kang gustong gawin kundi ang tumunganga sa iyong mga social media account o kaya ay matulog, kumain at manood ng t.v.. Matatapos ang araw ng ganun lang.

Masuwerteng numero; 54,58,59,67

AHAS (SNAKE)

Mabilis pa sa alas kuwatro kang susunod sa utos ng mga nakakataas sa’yo. Kahit ano pa ang kanilang sabihin ay susundin mo alang-alang sa kapakanan at ikakabuti ng nakararami kabilang na ang iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 11,13,24,25

KABAYO (HORSE)

Magiging mas katanggap tanggap sa’yo ngayon ang dahilan ng isang kaibigan kung bakit niya kailangang pagtakpan ang kanyang kamag-anak sa ginawa nito kaysa nitong mga nakaraang araw na obvious namang hindi maganda ang dahilan.

Masuwerteng numero; 19,20,22,33

TUPA (SHEEP)

Matapos ang sunod-sunod na mabibigat na araw, sa wakas ngayon ay makakaramdam ka na rin ng kahit konting kapanatagan. Ang maghapong ito ay magugugol mo sa iyong pagmumuni-muni sa mahahalagang bagay.

Masuwerteng numero; 9,12,20,30

UNGGOY (MONKEY)

Makakaramdam ka ng takot para sa iyong anak dahil mag-aalala ka sa kanyang kalagayan. Sa kabila nito ay pangingibabawin mo ang iyong pananalig sa Diyos at ang lakas ng loob na kinakailangan mo para sa iyong anak.

Masuwerteng numero; 16,23,25,34

TANDANG (ROOSTER)

Magiging maayos ang takbo ng iyong araw ngayon dahil pipiliin mo munang isantabi ang mga stress na nagpapabigat sa dibdib mo. Masisiyahan ka kahit papa’no sa mga libangang masusumpungan mo sa loob ng bahay.

Masuwerteng numero; 44,50,51,69

ASO (DOG)

Maraming beses mo nang pinagbigyan ang mga kasamahan mo sa trabaho para magdesisyon sa mahahalagang usapin sa inyong departamento. Subalit sa pagkakataong ito ay kakailanganin mo ng makialam.

Masuwerteng numero; 8,18,20,21

BABOY (PIG)

Hindi magiging sapat ang iyong ipon para tustusan ang pangangailangan ngayon ng iyong pamilya kaya kahit ano pa ang sabihin ng iba ay aasa ka rin sa tulong mula sa mga nakatataas. Prayoridad mo pa rin ang iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 6,7,9,11

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here