Chinese Horoscope Abril 8, 2021

DAGA (RAT)

Yung inaasahan mo na hindi magiging maganda ang araw mo ay hindi mangyayari. Ang totoo ay maaliwalas ang araw na ito para sa’yo. Maganda ang magiging takbo ng bawat oras na lilipas at magpapangiti ito sa’yo.

Masuwerten numero; 6,33,45,57

BAKA (OX)

Hindi man ganoon kalaki ang kita sa negosyo ay sasapat naman ito para sa pangangailangan mo at ng iyong pamilya. Malaking bagay na iyon na dapat mong ipagpasalamat. Matutong mag-appreciates ng kahit maliliit na mga bagay.

Masuwerteng numero; 11,17,23,35

TIGRE (TIGER)

Maikakaila mo sa ibang tao subalit hindi sa iyong sarili na may pagtingin ka pa sa iyong ex. Gayunpaman, hindi mo naman kailangan na i-entertain ang damdaming ito dahil alam mong meron kang tao na masasaktan.

Masuwerteng numero; 6,15,27,48

KUNEHO (RABBIT)

Magiging magaan ang pasok ng pera ngayong araw na ito. Hindi ang iniisip mo ang siyang tunay na dahilan. Ang totoo ay ikaw mismo ang dahilan nito. Ang iyong pagiging positibo ang umaakit ng suwerte papalapit sa’yo.

Masuwerteng numero; 31,40,55,60

DRAGON (DRAGON)

Mag-ingat sa mga taong may kakabit na malas ngayong araw. Kung i-eentertain mo ito ay posible kang mahawahan ng kanyang kamalasan. Walang dapat gawin kundi huwag maging negatibo at huwag pumatol sa mga tsismis.

Masuwerteng numero; 7,18,26,42

AHAS (SNAKE)

May bago kang makikilala na makakatulong sa’yo sa problemang kinaharap mo na akala mo ay nasolusyunan mo na. Siya ang magbibigay ng tuldok sa problema mo sa mga susunod na araw kaya ayusin mo ang pakikitungo sa kanya.

Masuwerteng numero; 8,21,22,36

KABAYO (HORSE)

Hindi porket nagkagalit kayo ay isasara mo na ang iyong pintuan para sa kanya. Kahit na anong mangyari, hindi mo mapuputol ang tali na nag-uugnay sa inyong dalawa dahil kayo ay magkapamilya at sa huli ay kayo rin ang magkakatulungan.

Masuwerteng numero; 14,20,56,57

TUPA (SHEEP)

Mahihirapan kang pakitunguhan ang isang kasamahan sa trabaho dahil sa kanyang mood swing. Pero dahil kilala mo ang sarili mo kaya alam mo na makakaya mo rin siyang paamuin sa huli. Konting tiyaga lang at diskarte.

Masuwerteng numero; 6,45,67,69

UNGGOY (MONKEY)

Yung akala mo nag-iisa ka ay walang katotohanan. Ang totoo ay maraming nagmamahal at sumusuporta sa lahat ng mga ginagawa mo. Alam mo sa sarili mo na mabuti ang iyong intensyon kaya’t dapat mo lang itong ipagpatuloy.

Masuwerteng numero; 28,29,30,31

TANDANG (ROOSTER)

Hindi ka maiinip sa pagdating ng blessing na matagal mo nang hinihintay. Malapit na itong dumating sa’yo. Konting pagtitiyaga na lang at karagdagang effort at hindi na magtatagal ay mapapasakamay mo na rin ito.

Masuwerteng numero; 1,3,14,23

ASO (DOG)

Wala kang magagawa para baguhin ang mahirap na sitwasyon ng isang kaibigan. Ang tanging magagawa mo lang ay bigyan siya ng payo sa kung ano ang alam mo na makakabuti para sa kanya, subalit hindi mo siya mapipigilan anuman ang kanyang pagpasyahan.

Masuwerteng numero; 28,39,42,43

BABOY (PIG)

Magiging malinaw na sa’yo ngayon kung ano ang nangyari sa’yong likuran habang wala ka. Ang sobra mong pagiging kampante at sobrang pagtitiwala ang naging sanhi kung bakit ngayon ay mapapasok ka sa problemang hindi mo ginawa.

Masuwerteng numero; 26,40,66,72

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here