Chinese Horoscope; Abril 8

162

DAGA (RAT)

Ikaw ang pagkukuhanan ng lakas ng iyong pamilya sa panahon na ito kaya hindi ka pwedeng panghinaan ng loob. Dahil dito ay uubusin mo ang buong maghapon sa pag-iisip ng paraan kung paano ka pa makakatulong.

Masuwerteng numero; 5,15,20,21

BAKA (OX)

Iba’t-ibang opinyon ang maririnig mo mula sa bawat miyembro ng pamilya tungkol sa nais mong mangyari. Gayunpaman, desidido ka sa iyong desisyon lalo pa at mas nakalalamang naman ang panig sa’yo.

Masuwerteng numero; 7,18,20,32

TIGRE (TIGER)

Huwag mong asahan na kakampihan ka ng iyong magulang kung alam mo naman sa sarili mo na ikaw ang nakagawa ng pagkakamali. Mas makakabuti kung sa pagkakataong ito ay aaminin ang sala at tatanggapin ang consequence nito.

Masuwerteng numero; 43,45,48,54

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mo maikakaila sa sarili mo na masyado ka ng napapagod sa araw-araw mong ginagawa. Ngayong araw ay makakaisip ka ng paraan kung papaano mo maiiba ang iyong daily routine at upang mabawasan din ang stress.

Masuwerteng numero; 17,30,32,49

DRAGON (DRAGON)

Magkakaroon ka ng pagkakataon na makausap ang isang opisyal sa inyong lugar. Ito na ang pagkakataon na hinihintay mo para ikaw ay makapaglaabs ng iyong hinaing lalo na sa napakahirap na sitwasyong iyong kinakaharap.

Masuwerteng numero; 67,69,70,71

AHAS (SNAKE)

Kahit nasa bahay ka lang ay makakaisip ka pa rin ng paraan para kumita. Para sa’yo ay hindi ka pwedeng huminto at humilata tulad ng ibang miyembro ng inyong pamilya. Ikaw kasi ang inaasahan nilang lahat ngayon.

Masuwerteng numero; 32,40,53,56

KABAYO (HORSE)

Kahit na ayaw mong sabihin ang hindi magandang nilalaman ng iyong damdamin sa isang tao ay madudulas ka pa rin. Mapapakawalan mo ng hindi sinasadya ang mga maaanghang na mga salita laban sa kanya.

Masuwerteng numero; 15,18,20,23

TUPA (SHEEP)

Kahit na marami ang tututol sa naisip mong diskarte para magkaroon ng biyaya ang iyong pamilya ay itutuloy mo pa rin. Mas mahalaga sa’yo na malamanan ang kanilang sikmura kaysa sa sasabihin ng ibang tao.

Masuwerteng numero; 13,14,24,25

UNGGOY (MONKEY)

Maganda ang magiging impresyon sa’yo ng isang kilalang tao sa industriyang iyong ginagalawan. Kaya naman maghanda, dahil isang sorpresa ang maghihintay sa’yo pagkatapos ng problemang pinagdaraanan mo ngayon.

Masuwerteng numero; 27,28,29,31

TANDANG (ROOSTER)

Prayoridad mo ang iyong mga anak sa lahat ng oras. Sa araw na ito ay gagawa ka ng paraan para maibigay mo sa kanila ang kanilang pangangailangan. Kahit pa mahirapan ka ng husto ay hindi ka magrereklamo.

Masuwerteng numero; 16,18,29,34

ASO (DOG)

Isang kaibigan ang sasaklolo sa pangangailangan ng inyong pamilya. Hindi mo ito inaasahan dahil matagal ka ng walang komunikasyon sa kaibigan mong ito na malayo na sa’yo. Kaya naman labis kang magpapasalamat na naalala ka niya.

Masuwerteng numero; 25,26,35,36

BABOY (PIG)

Marami kang matatapos na gawain ngayong araw. Nasa mood ka para maggeneral cleaning. Maaga pa lang ay sisimulan mo na ito hanggang sa matapos ang maghapon. Dahil marami kang malilinis kaya aaliwalas ang iyong pakiramdam.

Masuwerteng numero; 10,11,13,24

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here