Chinese Horoscope Abril 7

847

DAGA (RAT)

Makakaramdam ka ng excitement dahil sa inaasahan mong paparating na blessings. Matagal mo na itong hinihintay at nakatakda mo itong makamtan sa nalalapit na araw kaya ngayon pa lang ay sobra ka nang mae-excite.

Masuwerteng numero; 6,11,13,30

BAKA (OX)

Pagbibigyan mo ang kagustuhan ng iyong kapareha alang-alang sa inyong pagsasama. Kahit labag ito sa loob mo ay hahayaan mo na siya na muna ang masunod. Saka ka na lamang babawi kapag maayos na ang lahat sa pagitan nyo.

Masuwerteng numero; 22,25,31,42

TIGRE (TIGER)

Ang pagkahumaling mo sa isang laro sa sosyal media ay magiging dahilan ng hindi nyo pagkakaunawaan ng iyong mahal. May mga bagay kang makakaligtaan na may kinalaman sa inyong pagsasama na ikagagalit niya.

Masuwerteng numero; 28,47,63,77

KUNEHO (RABBIT)

Kakailanganin mo ngayon ang mga kaibigang tinalikuran mo noon. Sa pagkakataong ito ay ikaw ang siyang magpapakumbaba upang mapagbigyan ka nila sa pabor na iyong hihilingin. Magiging maganda ang bunga nito.

Masuwerteng numero; 19,32,52,60

DRAGON (DRAGON)

Maaalarma ka sa problemang kakaharapin ng isang kamag-anak. Hindi mo ito inaasahan at dahil sa kamag-anak mo ito ay hindi mo maiiwasan na maging apektado. Tutulong ka rin sa paghahanap ng solusyon.

Masuwerteng numero; 6,27,34,40

AHAS (SNAKE)

Wala kang dapat ikatakot pero hindi mo maiiwasan na makaramdam ng pangamba para sa seguridad ng iyong pamilya. May mga taong higit ang impluwensya sa inyo at ito ang ayaw mo na makabangga dahil alam mo ang kaya nilang gawin.

Masuwerteng numero; 20,34,38,57

KABAYO (HORSE)

Magiging mailap ang suwerte sa araw na ito. May mga bagay kang pagkakaabalahan at gugustuhin mo itong matapos sa pinakamabilis na paraan. Subalit kahit anong gawin mo ay hindi mo ito magagawa nang mag-isa.

Masuwerteng numero; 8,19,22,35

TUPA (SHEEP)

Wala kang magagawa kung ayaw niyang sumunod sa kagustuhan mo, subalit hindi ito dahilan para hindi mo ituloy ang iyong mga plano. May sarili kang isip at kakailanganin mong panindigan anuman ang iyong napagdesisyunan.

Masuwerteng numero; 29,40,43,53

UNGGOY (MONKEY)

Isang pagsubok ang kakaharapin mo ngayon ng buong tapang. Ang likas mong lakas ng loob at katalinuhan ang magsasalba sa’yo sa mga mahihirap na sitwasyon na kasusuungan mo. Mas magiging matibay ka pa.

Masuwerteng numero; 15,33,57,65

TANDANG (ROOSTER)

Hindi magiging madali para sa’yo ang magiging sistema ng relasyon nyo subalit kakailanganin mong maging matatag dahil mas mahalaga sa’yo na magkasundo kayo sa kabila ng inyong mga pinagdadaanan sa ngayon.

Masuwerteng numero; 7,17,21,39

ASO (DOG)

Masaya ang araw na ito para sa’yo kahit pa wala namang okasyon at walang espesyal na taong magpapangiti sa’yo kundi dahil makakaramdam ka ng kapanatagan ng loob at kapayapaan sa loob ng inyong tahanan.

Masuwerteng numero; 16,48,59,70

BABOY (PIG)

Sa wakas ay ito na ang araw na masosolusyunan na rin ang problemang matagal mo nang dinadala. Dahil dito ay makakahinga ka na ng maluwag at magagawa mo na rin ang mga bagay na hindi mo nagawa noon.

Masuwerteng numero; 6,12,14,19

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here