Chinese Horoscope; Abril 7

138

DAGA (RAT)

May magandang mararating ang iyong pagkakawanggawa. Pero marami ka pang pagdadaanan na mahihirap na sitwasyon. Ngayong araw na ito ay makikilala mo ang tao na malaki ang maitutulong sa adhikain mo.

Masuwerteng numero; 6,8,9,10

BAKA (OX)

Hindi ikaw ang tipo ng tao na nagpapadala sa mga sabi-sabi lang. Ikaw yung tipo ng tao na kailangan munang harapan ng matibay na ebidensya dahil kung hindi ay mananatiling may pagdududa sa iyong isipan.

Masuwerteng numero; 27,30,35,38

TIGRE (TIGER)

Wala kang magagawa sa gagawing desisyon ng iyong asawa tungkol sa mahalagang bagay na may kinalaman sa inyong pamilya.  Kahit pa kontra ka rito ay alam mong kabutihan nyo lang din ang iniisip niya.

Masuwerteng numero; 55,57,61,62

KUNEHO (RABBIT)

Ang stress na dati mo ng dala-dala ay madaragdagan pa ngayong araw dahil sa pagdating ng isang miyembro ng pamilya mula sa malayo. Bagamat masaya kang makita siyang muli ay hindi mo maiwasang mangamba sa dala niyang problema.

Masuwerteng numero; 12,15,17,20

DRAGON (DRAGON)

Patuloy kang lalaban sa mga pagsubok na dumarating ngayon sa iyong buhay. Malaki ang iyong paniniwala na malalapampasan mo ang lahat ng ito hangga’t nasa tabi mo ang buo mong pamilya at nakasuporta sa’yo.

Masuwerteng numero; 29,30,31,33

AHAS (SNAKE)

Magiging maluwag ka ngayon sa iyong mga anak. Sa lahat ng tao ay ikaw lang ang tunay na nakakaintindi sa kanilang pinagdadaanan. Kaya naman sa araw na ito ay hahayaan mo silang gawin ang gusto nilang gawin.

Masuwerteng numero; 18,20,22,24

KABAYO (HORSE)

Hindi ka takot na humarap sa problema na mag-isa dahil dati mo na itong napagdaanan. Kaya anuman ang harapin mo ngayon at wala ka mang maging katuwang sa paghanap ng solusyon dito ay sigurado kang makakaya mo.

Masuwerteng numero; 35,39,40,46

TUPA (SHEEP)

Isang pangako ang nakatakda mong tuparin ngayong araw para sa isang mahal sa buhay. Kaya naman kahit papa’no ay makakaramdam ka ng kasiyahan at kapanatagan sa buong maghapon hanggang sa pagsapit ng gabi.

Masuwerteng numero; 12,23,24,30

UNGGOY (MONKEY)

Ikaw yung tipo ng tao na masyadong dinidibdib ang kabiguan pero mabilis ka ring magmove on dito. Kung gaano ka kabilis masaktan ay ganoon ka rin kabilis makalimot kaya naman kayang-kaya mong humarap sa kahit na anong pagsubok.

Masuwerteng numero; 7,9,11,13

TANDANG (ROOSTER)

Hindi ka magiging komportable sa araw na ito dahil sa mga salitang bibitawan ng isang taong mahalaga sa’yo. Hindi ka sigurado pero pakiramdam mo ay may laman ang kanyang mga sinasabi at hindi mo gusto ang mensahe nito.

Masuwerteng numero; 4,6,17,19

ASO (DOG)

Pansamantala kang magpapatangay sa agos. Kahit pa hindi ka 100% na sumasang-ayon sa mga desisyon ng mga taong nasa paligid mo ay hahayaan mo muna sila. Kailangan mo ng magandang tiyempo para ihayag ang opinyon mo.

Masuwerteng numero; 5,15,25,30

BABOY (PIG)

Araw ito para ipagdiwang ang isang mahalagang okasyon sa iyong buhay. Pero batid mo na wala kang ibang paraan para ipagdiwang ito kundi sa loob lamang ng tahanan. Hindi mo inaasahan ang sayang dala ng bawat oras.

Masuwerteng numero; 20,42,43,48

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here