Chinese Horoscope; Abril 6

160

DAGA (RAT)

Marami kang kakailanganing tapusin ngayong araw na’to. Pero hindi ka pa man nagsisimula ay makakaramdam ka na ng pagod. Ito ay dahil sa hindi magandang pakiramdam ng iyong katawan ngayong araw.

Masuwerteng numero; 6,17,28,29

BAKA (OX)

Kahit papa’no ay aaliwalas ang araw mo ngayon. May taong magpapaganda ng araw mo dahil alam niya na nalulungkot ka at naiinip. Pasasalamatan mo ang kanyang effort na hindi magawa ng mga kasama mo sa bahay.

Masuwerteng numero; 10,11,13,14

TIGRE (TIGER)

Hindi naman mahirap ang sumaya sa loob ng bahay. Ang totoo ay marami kang naiisip gawin. Kahit pa hindi mo gusto ang lahat ng miyembro ng inyong pamilya ay isasantabi mo muna ang pakiramdam na ito para sa kapanatagan.

Masuwerteng numero; 30,42,45,48

KUNEHO (RABBIT)

Mahirap ang magiging kalagayan mo ngayon dahil bukod sa hirap ng sitwasyon dahil sa covid ay mayroon pang dalawang mahal mo sa buhay ang magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan at maiipit ka sa kanilang gulo.

Masuwerteng numero; 9,19,22,24

DRAGON (DRAGON)

Madalas ay ikaw ang pinapasaya ng isang kaibigan. Ngayong araw ay ikaw naman ang gagawa ng paraan para mapagaan ang kanyang kalooban. Hindi ka clown at hindi rin komedyante pero magiging epektibo ang paraan mo para mapasaya siya.

Masuwerteng numero; 59,66,68,72

AHAS (SNAKE)

Ang inaasahang mong tulong ngayon mula sa isang malayong kaanak ay hindi makakarating. Kahit pa gaano niya kagusto na makarating ito sa’yo ay may mga hadlang sa inyong sitwasyon para mapasakamay mo ito.

Masuwerteng numero; 7,17,20,30

KABAYO (HORSE)

Kahit na hindi mo gustong tumanggap ng bisita dahil sa iyong pag-iingat ay hindi mo magagawang hindi patuluyin sa inyong tahanan ang isang kaibigan na nangangailangan ngayon ng pansamantalang masisilungan.

Masuwerteng numero; 6,16,28,33

TUPA (SHEEP)

Matagal pa ang ipaghihintay mo bago ka makabalik sa trabaho. Hindi lang kasi ang kasalukuyang sitwasyon ang dahilan kundi marami ka ring naiwang problema sa trabaho na kailangan mo munang ayusin bago ka makabalik dito.

Masuwerteng numero; 51,52,59,60

UNGGOY (MONKEY)

Kahit pa gaano katalas ang iyong memorya at kahit gaano ka katalino, sa pagkakataong ito ay mananatili kang manhid sa isang isyu na malalaman mo. Wala ka sa mood para sa argumentong ito kaya hahayaan mo lang.

Masuwerteng numero; 4,7,9,10

TANDANG (ROOSTER)

Isang tao na matagal ng may lihim na inggit at inis ang kokompronta sa’yo dahil sa isang pagkakamali na aakalain niyang ikaw ang may gawa. Dahil sa mali niyang akala ay siya rin ang mapapahiya mismo sa harapan mo.

Masuwerteng numero; 37,38,40,42

ASO (DOG)

Mahalagang malaman mo kung sino ang iyong mapagkakatiwalaan sa hanay ng iyong mga miyembro. Pero mahihirapan kang mamili sa kanila lalo’t lahat sila ay nakangiti sa’yo. Pipiliin mo ang hindi nagpiprisinta.

Masuwerteng numero; 52,69,74,76

BABOY (PIG)

Magiging mabilis lang ang proseso ng gagawin mong pagkakawanggawa. Huwag kang umasa na lahat ay matutuwa sa iyong intensyon dahil hindi lahat ay maaabot ng iyong tulong. Pero walang makakapigil sa’yo.

Masuwerteng numero; 43,46,50,53

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here