Chinese Horoscope; Abril 5

124

DAGA (RAT)

Hindi masamang magbakasakali kung para sa ikabubuti naman ng pamilya. Kung palaging paiiralin ang pag-aagam-agam ay walang mangyayari sa araw mo. Mas mainam na ang sumubok kaysa hindi at magsisi sa huli.

Masuwerteng numero; 16,17,19,20

BAKA (OX)

May malaki kang maiaambag ngayon sa inyong komunidad. Kahit pa may ilan pa ring tao ang hindi makakaintindi sa tunay mong intensyon ay ipagkikibit balikat mo na lang ito. Wala kang balak na tapunan sila ng atensyon.

Masuwerteng numero; 20,31,33,35

TIGRE (TIGER)

Naniniwala ka na wala sa’yo ang problema kaya naman ipagpapatuloy mo kung ano ang iyong nasimulan. Sa kabila nito ay hindi mo pa rin maiiwasan na hindi maging apektado sa mga maririnig mo laban sa’yo.

Masuwerteng numero; 5,15,41,42

KUNEHO (RABBIT)

Kahit na anong mangyari ay mananatili ka sa tabi ng iyong asawa. Ngayon nyo higit na kailangan ang isa’t-isa. Hindi mo maiiwasan na meron mga tao sa paligid nyo ang kokontra pero mas marami naman ang makakaunawa.

Masuwerteng numero; 24,27,36,38

DRAGON (DRAGON)

Hindi ka maisasalba ng iyong pagkukunwari. Kaya mas mabuti kung lagi kang papanig sa katotohanan at iyon lamang din ang iyong pakikinggan. Huwag ka nang gumaya sa mga nakapaligid sa’yo dahil wala silang patutunguhan.

Masuwerteng numero; 8,9,19,20

AHAS (SNAKE)

May malaking aral kang matututunan ngayon mula sa hindi kilalang tao. Kahit pa ngayon mo lang siya makakaharap ay magmamarka sa’yo ang inyong pagkikita dahil malaman ang kanyang mga salita at may katuturan.

Masuwerteng numero; 4,14,26,28

KABAYO (HORSE)

Makakaramdam ka ng labis na awa sa isang kaibigan na naiipit ngayon sa hindi magandang sitwasyon ng buhay. Kaya naman gagawa ka ng paraan upang kahit papaano ay makapagpadala ka ng tulong sa kanyang kinaroroonan.

Masuwerteng numero; 45,47,55,59

TUPA (SHEEP)

Kung noong mga nakaraang araw ay buo na ang desisyon mo na wakasan ang inyong pagsasama, ngayong araw ay magbabago ang isip mo dahil mas mangingibabaw sa’yo ang kahalagahan ng iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 10,11,13,14

UNGGOY (MONKEY)

Wala kang mapapala sa isang tao na walang mahalaga kundi ang kanyang sarili. Mas makakabuti kung ibabaling mo ang atensyon mo sa iba na higit na nangangailangan ng iyong tulong at pagkalinga kaysa sa kanya.

Masuwerteng numero; 8,12,14,16,

TANDANG (ROOSTER)

May mas mahalaga pa sa’yo ngayon kaysa sa pagkain. Iyon ay ang makasama mo ang iyong mahal sa buhay na nasa malayong lugar. Malaki ang problemang kakaharapin mo bago mo siya mapauwi dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.

Masuwerteng numero; 62,65,68,69

ASO (DOG)

Walang masyadong ganap ngayon sa buong maghapon mo. Ang bawat oras na lilipas ngayon ay iikot lamang sa iyong pagrerelax at pamamahinga. Hindi ka muna manonood o makikinig ng balita para iwas stress.

Masuwerteng numero; 51,52,69,73

BABOY (PIG)

Masyadong magiging mahaba at kainip inip ang paglipas ng oras para sa’yo ngayong araw na ito. Ito ay dahil sa kawalan mo ng magawa sa loob ng bahay. Wala kang balak kumilos at mag-isip ng kahit na anong gagawin.

Masuwerteng numero; 24,26,38,39

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here