Chinese Horoscope; Abril 4

201

DAGA (RAT)

Patong patong na ang mga katanungan na hindi mo pa nasasagot sa iyong mga kaanak. Kung hahayaan mo lang ito ay mananatili silang nagdududa sa’yo. Kaya naman dapat mo nang pag-isipan ang sasabihin sa kanila.

Masuwerteng numero; 11,13,29,30

BAKA (OX)

Wala kang mapapala sa isang pulitiko kahit na ano pa ang sabihin mo at iparating sa kanya dahil mga salita lamang ito. Meron ka lang dalawang option, ang ipagbigay alam ito sa mas nakatataas o manahimik na lang.

Masuwerteng numero; 13. 20,30,31

TIGRE (TIGER)

Ikaw ang mas nakakaalam kung ano ang dapat mong gawin para masupil ang iyong anak. Alam mo ang kalakasan at kahinaan niya kaya nasa sa’yo na ang diskarte kung paano mo siya mahuhubog bilang mabuting tao.

Masuwerteng numero; 27,30,42,45

KUNEHO (RABBIT)

Ikaw ang tipo ng tao na hindi nagpapalampas sa mga hindi magandang gawain ng iba. Lalo na sa mga nanlalamang sa kapwa. Sa pagkakataong ito ay hindi mo mapipigilan na kumontra kahit pa malapit sa’yo ang tao na gagawa nito.

Masuwerteng numero; 7,9,10,14

DRAGON (DRAGON)

Madalas ay sunud sunuran ka lang sa mga nakatatandang miyembro ng inyong pamilya. Subalit sa pagkakataong ito ay igigiit mo na ikaw ang masunod dahil sigurado ka na tama ang naisip mong gawin para sa ikabubuti ng lahat.

Masuwerteng numero; 5,15,16,26

AHAS (SNAKE)

Hindi mo matitiis ang isang kamag-anak na nangangailangan ng tulong mo ngayon. Kahit na marami kayong naging hidwaan at hindi magandang pinagsamahan ay titingnan mo pa rin siya bilang isang tao na nangangailangan ng tulong.

Masuwerteng numero; 20,30,32,35

KABAYO (HORSE)

Maaalarma ka sa isang hindi magandang balita sa inyong lugar. Mas mabigat pa sa pinagdaraanan ngayon ng iba.Kaya naman buong maghapon ay wala kang ibang nanaising gawin kundi ang magdasal at manalig sa Diyos.

Masuwerteng numero; 25,27,28,34

TUPA (SHEEP)

Sa kabila ng mga hindi magandang balita ay makakatanggap ka naman ngayon ng magandang balita na magiging dahilan para kahit papa’no ay mabawasan ang dinadala mo. Ito ay manggagaling sa malayong lugar.

Masuwerteng numero; 54,56,60,67

UNGGOY (MONKEY)

Tulad ng mga nagdaang araw ay makakaramdam ka pa rin ng katamaran ngayon sa trabaho. Marami na ang nawala sa’yo dahil sa mga hindi magandang kaganapan kaya naman pinanghihinaan ka ng loob. Dapat mo ng pairalin ang pagiging monkey mo.

Masuwerteng numero; 6,7,8,9

TANDANG (ROOSTER)

Magiging magaan ang araw na ito para sa’yo. Ang iyong pamilya ay makakaraos pa rin tulad ng mga nagdaang araw. Bagamat walang biyayang darating ngayon ay hindi naman kayo magugutom dahil marunong kang mag-impok.

Masuwerteng numero; 10,11,14,24

ASO (DOG)

Malamang na magkatotoo ang hinala mo sa isang tao na matagal mo ng pinagdududahan. Sa araw na ito ay malalagay kayo sa isang sitwasyon kung saan hindi mo sinasadyang makita ang other side niya na matagal mo na ring napapansin.

Masuwerteng numero; 7,19,21,22

BABOY (PIG)

May kakayahan ka ngayon na tulungan ang iyong kapatid na dati mong nakaalitan. Bagamat nananatili siyang matigas at hindi humihingi ng tulong mula sa’yo ay ikaw na ang magkukusa na pahatiran siya ng kailangan niya.

Masuwerteng numero; 11,12,18,19

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here