Chinese Horoscope; Abril 3

826

DAGA (RAT)

Hindi ka mahihiyang sabihin sa isang nakakatandang kapamilya ang isang bagay na matagal mo ng inililihim sa iba. Mapipilitan kang ipagtapat ito sa kanya para kahit papa’no ay makaramdam ka ng kapanatagan.

Masuwerteng numerro; 6,16,20,23

BAKA (OX)

Walang masamang tinapay sa’yo pagdating sa mga kaibigan mo. Kaya naman kahit na magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng ilan sa kanila ay mananatili ka lang na nasa gitna at handang umunawa.

Masuwerteng numero; 13,14,18,20

TIGRE (TIGER)

Kahit na magkagulo ang iba sa problemang kinakaharap ng bansa ay mananatili kang kalmado. Mas pipiliin mo ito dahil ayaw mong makaramdam ng stress na alam na alam mo namang magpapahina ng loob mo.

Masuwerteng numero; 5,11,17,20

KUNEHO (RABBIT)

Hindi ka mahihirapan na pakisamahan ang isang tao na dati mo pang hindi kasundo. Iba na ang sitwasyon ngayon. Hindi na niya makakayang gawin ang dati niyang ginagawa sa’yo kaya hindi ka na mangangamba.

Masuwerteng numero; 18,27,33,36

DRAGON (DRAGON)

Sa ngayon ay wala kang aalalahanin sa iyong mga bayarin dahil naka-freeze ito lahat. Subalit hindi ibig sabihin ay babalewalain mo na ito.kailangan mo rin itong paghandaan sa hinaharap upang hindi masyadong mahirapan.

Masuwerteng numero; 45,49,53,60

AHAS (SNAKE)

Magiging masuwerte ka ngayong araw na ito dahil isang tao na hindi mo inaasahan ang maghahatid sa’yo ng biyaya. Buong puso ang magiging pasasalamat mo dahil kailangang kailangan mo ito sa panahon ngayon.

Masuwerteng numero; 5,15,20,22

KABAYO (HORSE)

Makakaramdam ka ng labis na kalungkutan ngayon kahit pa nasa tabi mo na ang buo mong pamilya. Hindi mo maiiwasan na hindi maapektuhan sa mga mababasa mo sa social media. Buong maghapon kang mababagabag.

Masuwerteng numero; 6,12,13,24

TUPA (SHEEP)

Wala kang planong gumawa ng kahit anong bagay ngayong araw. Pakiramdam mo ay masyado kang napagod nitong mga nakaraang araw kaya ang gusto mong gawin ngayong buong maghapon ay magrelax.

Masuwerteng numerol 43,55,62,71

UNGGOY (MONKEY)

Maganda ang plano mong gawin ngayong araw.Gusto mong umaga pa lang ay masimulan mo na ang mga dapat mong gawin para makatapos din ng maaga. Pero mabibigo ka dahil hihilahin ka ng katamaran.

Masuwerteng numero; 34,37,44,59

TANDANG (ROOSTER)

Hindi mo maikakaila sa iyong kinakasama ang paghihirap na nararanasan mo ngayon dahil mararamdaman niya iyon. Gayunpaman, wala pa siyang magagawang paraan sa ngayon para masolusyunan ito.

Masuwerteng numero; 4,6,8,9

ASO (DOG)

Wala kang masasabi na hindi maganda sa mga kasama mo ngayon sa bahay dahil lahat sila ay may kanya-kanyang ginagampanan sa inyong tahanan upang maging kapaki-pakinabang at hindi maging pabigat sa isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 20,30,31,35

BABOY (PIG)

Hindi pa ito ang araw para mawalan ka ng pag-asa. Sa kabila ng mga hindi magandang kaganapan ay mananatili kang positibo. Para sa’yo ang lahat ay may hangganan at matatapos din ang pinagdaraanan ngayon.

Masuwerteng numero; 51,62,67,77

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here