Chinese Horoscope; Abril 28

DAGA (RAT)

Malalim ang magiging koneksyon mo sa taong makikilala mo sa araw na ito. Hindi lang siya basta magiging parte ng buhay mo kundi may mahalaga siyang gagampanan sa magiging kapalaran mo sa hinaharap.

Masuwerteng numero; 10,13,24,25

BAKA (OX)

Mawawalan ka ng pagkakataon na makita ang isang kamag-anak na pabalik na sa kanyang lugar. Ito ay dahil na rin sa sobra mong kaabalahan sa trabaho mo ngayon sa labas. Gayunpaman, masaya ka para sa kanya dahil makakauwi na rin siya sa wakas. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 28,30,42,43

TIGRE (TIGER)

Ang buong maghapon mo ay mauubos sa pag-iisip ng paraan kung paano mo masosolusyunan hindi lamang ang sarili mong problema kundi maging ang problema rin ng iyong mga malalapit na kamag-anak.

Masuwerteng numero; 6,7,19,20

KUNEHO (RABBIT)

Magiging emosyonal ka sa araw na ito dahil sa hindi magandang sitwasyon na kasusuungan ng isang tao na malapit sa puso mo. Wala kang ibang magagawang tulong para sa kanya kundi ang isama siya sa’yong mga dasal.

Masuwerteng numero;

DRAGON (DRAGON)

May malaking pagbabagong magaganap sa inyong relasyon. Wala itong kinalaman sa mga taong nakapaligid sa inyo kundi sa inyong dalawa lamang. Pareho kayong tatabangan sa isa’t-isa kaya magiging matamlay ang inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 15,26,27,34

AHAS (SNAKE)

Magiging malaking bagay na para sa iyong pamilya ang mga maliliit na tulong mula sa inyong mga kaanak. Yung mga bagay na dati ay binabalewala nyo lang at hindi pinapansin, ngayon ay makikita nyo ang halaga. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 47,49,53,56

KABAYO (HORSE)

May katapusan din ang madilim na yugto sa iyong buhay. Ngayong araw ay magsisimula ulit na lumiwanag ang bawat oras mo. Hindi dahil sa tulong ng ibang tao kundi ikaw mismo ang mag-uumpisa nito sa iyong sarili.

Masuwerteng numero; 16,26,29,30

TUPA (SHEEP)

Huwag masyadong mag-alala para sa mga susunod na araw. Darating na ngayon ang tao na may bitbit na suwerte at siyang tutulong sa’yo. Mas makakabuti kung pag-iisipan mo rin ang iba pang solusyon na kailangan mo.

Masuwerteng numero; 20,30,31,35

UNGGOY (MONKEY)

Hindi mo maiiwasan na hindi magdamdam dahil sa maikling panahon na maigugugol sa’yo ng iyong mahal sa araw na ito. Gayunpaman, ang mga susunod mong oras ay magiging abala ka sa bago mong libangan.

Masuwerteng numero; 9,10,11,13

TANDANG (ROOSTER)

Hindi ka mag-iisa sa araw na ito. Isang kaibigan ang makakasama mo sa buong maghapon at marami kayong gagawin na bago para sa’yo. Kaya naman magiging masaya at kapaki-pakinabang ang araw na ito para sa inyong dalawa.

Masuwerteng numero; 51,57,69,74

ASO (DOG)

Mauubos ang oras mo sa internet. May tao kang hahanapin subalit mabibigo kang makita siya sa social media. Kaya naman hindi magiging produktibo para sa’yo ang araw na ito. Mas lamang ang magiging pahinga mo. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 7,18,19,22

BABOY (PIG)

Ngayong araw ay magiging abala ka ng husto sa paglilinis ng bahay. General cleaning. Marami kang makikitang lumang gamit na hindi mo akalaing may kapakinabangan pa palang makukuha kaya naman ikakatuwa mo ito. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 43,46,57,58

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here