Chinese Horoscope; Abril 24

290

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT) Ang mga manloloko ay nagkalat lang sa paligid. Gaano man kaamo ang mukha o kapino kumilos, sadyang may mga taong mahusay magbalatkayo. Ngayong araw ay malapit lang sa’yo ang taong ito kaya mag-ingat. Masuwerteng numero; 17,28,29,41

BAKA (OX) Hindi masamang umiyak kung ito ang idinidikta ng iyong emosyon. Hayaan mo lang na dumaloy ang mga luha sa iyong pisngi dahil pagkatapos nito ay makakahinga ka na ulit nang maluwag at makakakita ka na ng pag-asa. Masuwerteng numero; 1,12,23,33

TIGRE (TIGER) Magagawa mong magsinungaling maprotektahan mo lang ang mahal mo sa buhay. Ang tawag mo rito ay white lies. Pero hindi mo alam kinukunsinti mo lang ang kanyang kahinaan at pinalalakas ang kanyang loob sa kanyang maling gawa. Masuwerteng numero; 15,35,49,67

KUNEHO (RABBIT) Magagawa mo namang iwasan ang isang tao kung gugustuhin mo. Palagi mong sinasabi sa sarili mo na hindi siya makakabuti para sa’yo subalit patuloy mo pa rin siyang nilalapitan at kinakausap. Dahil dito lalo ka lamang mapapalapit sa kanya. Masuwerteng numero; 11,27,29,31

DRAGON (DRAGON) Isang pagkakamali mo lang ang magpapabago sa pagtingin sa’yo ng isang tao. Bagamat hindi mo sinasadya ang pagkakamaling ito ay wala kang magagawa kundi tanggapin ang gagawin niyang pagdistansya sa’yo. Masuwerteng numero; 3,44,50,61

AHAS (SNAKE) Mag-ingat sa mga taong mahilig bumigkas ng pangako. Kahit pa ang kanyang pangako ay naglalaman ng isang magandang buhay at pangarap ay hindi mo ito dapat asahan. Matuto kang magsikap para sa iyong sarili at para sa iyong pamilya. Masuwerteng numero; 5,16,18,70

KABAYO (HORSE) Isang kasamahan sa trabaho ang magpapatunay sa’yo na hindi lahat ay kaya mong gawin. Hindi mo siya dapat kainisan dahil itinutuwid niya lang ang iyong pagkakamali. Dapat mong bitawan ang mga trabaho at gawaing hindi para sa’yo. Masuwerteng numero; 36,55,68,75

TUPA (SHEEP) Huwag mo munang problemahin ang problemang hindi pa dumarating. Sa halip ay mag-isip ng mga paraan kung paano mapapabuti ang bawat araw na lilipas. Dapat mong pagtuunan ang kasalukuyang sitwasyon. Masuwerteng numero; 7,18,39,41

UNGGOY (MONKEY) Pag-aralan mo kung paano makokontrol ang iyong emosyon. Maaaring hindi pa ngayon pero darating ang araw na ito ang magpapahamak sa’yo kung hindi mo ito magagawang pigilan. Subukang maging mahinahon sa harap ng kumplikadong sitwasyon. Masuwerteng numero; 15,16,29,30

TANDANG (ROOSTER) Walang magagawa ang pag-eespiya mo sa iyong mahal. Kahit gaano ka katinik ay gagawin pa rin niya ang gusto niya. Ikaw lang din ang masasaktan sa huli. Kapain mo siya sa iyong puso at pag-isipan ang tunay na makakabuti para sa’yo. Masuwerteng numero; 2,45,46,77

ASO (DOG) Malilibang ka sa mga gawaing bahay. Bagamat makakaramdam ka ng pagod ay makakaramdam ka rin naman ng saya pagkatapos nito dahil matagal mo nang gusto na makapag general cleaning at ngayon ka lang ulit magkakaroon ng pagkakataon. Masuwerteng numero; 6,19,50,88

BABOY (PIG) Kahit ano pa ang gawin mo ay hindi mo magagawang asarin ang iyong mahal. Alam mo na hindi siya pikong tao. Bagamat madalas siyang seryoso ay hindi nangangahulugan na hindi niya nage-gets ang gusto mong mangyari. Masuwerteng numero; 9,19,26,96

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here