Chinese Horoscope; Abril 23

388

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT) Ito ang oras para magpakahinahon. Mahirap humarap sa sitwasyon na gaya nang haharapin mo ngayon pero higit kaninuman ay ikaw ang nakakakilala sa iyong sarili at alam mo na malalampasan mo ito dahil minsan na itong nangyari sa’yo at nalampasan mo. Masuwerteng numero; 12,24,54,60

BAKA (OX) Hindi mo maitatanggi sa sarili mo ang labis mong pagkagusto sa isang tao. Pero tama ang iyong desisyon na pigilan ang iyong damdamin dahil alam mo naman na wala itong pupuntahan. Ipagpatuloy mo lang ang pagdarasal mo sa Diyos na mawala ang damdaming nagpapahirap sa’yo. Masuwerteng numero; 15,20,33,43

TIGRE (TIGER) Kahit gaano pa kalaki ang pagkairita mo sa maiingay mong kapitbahay ay mas makakabuti kung mananahimik ka na lang. Hindi mo naman gugustuhin na mapag-initan ka at mapagtulungan nila kaya iwasan mo na lang. Masuwerteng numero; 11,36,78,79

KUNEHO (RABBIT) Huwag mong balewalain ang effort na ginagawa ngayon ng isang kamag-anak na nakatampuhan para mapalapit sa’yo. Ang mga maliliit niyang paraan para mapansin mo ay senyales na narealize na niya ang kanyang pagkakamali. Masuwerteng numero; 18,20,29,50

DRAGON (DRAGON) Konting tiis pa. Dagdagan mo pa ang iyong sipag at tiyaga at makakamit mo rin ang mga gusto mo sa buhay. Ipagpatuloy mo lang ang pagiging positibo at huwag bigyan ng pansin ang masamang impluwensya ng iba. Masuwerteng numero; 6,12,13,15

AHAS (SNAKE) May konting pagbabago ang magaganap sa inyong grupo. Ito ay dahil sa paglayo ng isa sa inyo. Hindi maiiwasan na maapektuhan ang inyong samahan lalo pa at siya ang nagbuo nito at nagpasaya nang husto sa grupo. Masuwerteng numero; 16,22,35,37

KABAYO (HORSE) Magiging masaya ang bonding nyo ng iyong mahal. Kailangan nyo itong sulitin dahil ngayon lang ulit kayo makakalabas kasama ang isa’t-isa matapos ang mga nakakapagod na araw sa trabaho. Gawing memorable ang bawat oras na lilipas. Masuwerteng numero; 11,13,45,65

TUPA (SHEEP) Mula sa pakikipagkuwentuhan mo sa isang matanda ay marami kang bagay na matutuklasan at marami ka ring matututunang leksyon. Labis mo itong kaaaliwan kaya naman ipapangako mo sa sarili mo na hindi pa ito ang magiging huling pag-uusap nyo. Masuwerteng numero; 10,12,34,54

UNGGOY (MONKEY) Mahusay ka sa iyong trabaho kaya naman kahit gipit ka na sa oras ay nagagawa mo pa ring tapusin ang dapat tapusin. Pero dapat mo nang baguhin ang istilong ito dahil hindi ito magiging mabuti para sa’yo sa hinaharap. Masuwerteng numero; 1,11,40,60

TANDANG (ROOSTER) Sadyang may mga bagay na hindi para sa’yo kaya naman kahit gustong gusto mo ito ay huwag mong asamin lalo pa at may nagmamay-ari na. Kung talagang gusto mo ay dapat mo itong pag-ipunan. Alisin ang inggit sa katawan. Masuwerteng numero; 16,27,29,30

ASO (DOG) Ang bigat na iyong nararamdaman ay mawawala rin kalaunan. Habang nasa dibdib mo pa ito ay huwag mo ito masyadong bigyan ng pansin. May mahahalagang bagay kang dapat pagtuunan na makapagpapagaan ng araw mo. Masuwerteng numero; 2,43,51,67

BABOY (PIG) Magiging maaliwalas ang araw mo. Dahil sa maganda mong gising ay magkakaroon ka ng good vibes buong maghapon na maaari pang makahawa sa iba. Kung ganito lagi ang gagawin mo, palaging magiging maganda ang araw mo. Masuwerteng numero; 8,19,24,56

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here