Chinese Horoscope; Abril 22

0
269

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Gawing  makabuluhan ang bawat oras na lilipas. Piliting ngumiti sa kabila ng nararamdaman. Ang mga payapang oras na lilipas ay maituturing ng isang magandang biyaya habang ang iba ay nasa gitna ng kaguluhan.

Masuwerteng numero; 6,17,28,30

BAKA (OX)

Ang paglaki ng iyong mga anak ay hindi mo mapipigilan. Hindi mo rin makakayang pigilan ang mga pagbabago sa kanila kabilang na ang kanilang mga gusto at mga ginagawa. Ang dapat mong gawin ay manatiling gabay nila upang di sila mapahamak.

Masuwerteng numero; 10,11,13,22

TIGRE (TIGER)

Malalaman mo kung sino sa iyong mga kaibigan ang pinagmumulan ng mga usapang hindi maganda tungkol din sa iba nyo pang mga kaibigan. Malilito ka kung dapat mo itong sabihin sa iba. Mas mabuti kung kakausapin mo muna siya.

Masuwerteng numero; 7,16,34,54

KUNEHO (RABBIT)

Hindi magiging maganda ang takbo ng usapan nyo ng isang kamag-anak dahil may makikialam. Upang maiwasan ang gulo ay dumistansya ka na muna at saka mo na lang ulit siya kausapin kapag kayong dalawa na lang.

Masuwerteng numero; 38,40,44,50

DRAGON (DRAGON)

Magiging abala ka sa mga gawaing bahay tulad ng pagluluto at paglalaba. Sa kabila ng iyong kaabalahan ay hindi mo pa rin makakalimutan ang sumilip sa social media at i-check ang mga bagay na hindi mo gustong ma-missed.

Masuwerteng numero; 17,45,46,57

AHAS (SNAKE)

Hindi mo maiiwasan ang lakas ng impluwensya sa’yo ng isang tao kaya naman ang bagay na ayaw mong gawin dati ay magagawa mo ngayon dahil sa kanyang pagkumbinsi. Gusto mo rin kasing masubukan ang mga bagay na ginagawa niya.

Masuwerteng numero; 15,28,29,40

KABAYO (HORSE)

Maiinip ka sa pagdating ng isang tao na nangakong pupuntahan ka sa araw na ito. Dahil sa pagkainip mo ay makakalikha ka ng kanta nang hindi mo inaasahan. Pero tulad ng dati ay sasarilinin mo lang ito dahil wala ka pang tiwala sa iyong kakayahan.

Masuwerteng numero; 23,33,46,49

TUPA (SHEEP)

Hindi mo aakalain na makakaya mo palang palabasin ang tunay na ugali ng isang tao sa pamamagitan lamang ng pagtatanong mo sa kanya ng ilang mahahalagang bagay. Hindi mo ito pagsisihan at sa halip ay ikatutuwa mo pa na hangga’t maaga ay nakilala mo ang tunay na siya.

Masuwerteng numero; 7,12,30,58

UNGGOY (MONKEY)

Mahihirapan kang maghabol sa iyong trabaho. Alam mo sa sarili mo na marami kang sinayang na oras. Ngayon mo mare-realize kung gaano kahalaga ang bawat oras na lumilipas kaya dapat mo nang pag-aralan kung paano mo ito ima-manage ng tama.

Masuwerteng numero; 18,27,75,79

TANDANG (ROOSTER)

Walang sinuman ang makakapilit sa’yo sa isang bagay kung ayaw mo talaga itong gawin. Huwag kang makinig sa sasabihin ng iba. Mas kailangan mong pakinggan ang sarili mo dahil ikaw ang nakakaalam kung ano ang makakabuti para sa’yo.

Masuwerteng numero; 10,11,12,29

ASO (DOG)

Iwasan mong maging masyadong malapit sa isang kasamahan sa trabaho. Walang patutunguhan ang labis mong pakikipaglapit sa kanya dahil siya ay pamilyadong tao na. Kailangan mo siyang distansyahan kung ayaw mong masaktan sa huli.

Masuwerteng numero; 1,3,66,69

BABOY (PIG)

Isang magandang araw ito para makipagsaya sa mga kaibigan. Iwanan mo na muna sa bahay ang iyong mga problema at bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na mag-enjoy kahit saglit lang. Samantalahin mo ang masasayang oras na lilipas.

Masuwerteng numero; 18,52,57,77 00000000

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here