Chinese Horoscope; Abril 2

1085

DAGA (RAT)

May kaibigan kang kokontak sa’yo para humingi ng tulong. Makakaramdam ka ng labis na kalungkutan dahil sa panahon na ito ay wala kang maibibigay na tulong sa kanya kahit gaano mo pa kagusto na matulungan siya.

Masuwerteng numero; 4,5,16,17

BAKA (OX)

Panalangin pa rin ang tangi mong magiging sandigan sa ngayon na ikaw ay malayo sa iyong pamilya. Wala kang ibang magagawa kundi gawin ang iyong sinumpaang tungkulin at pangangatawanan mo ito hanggang sa huli.

Masuwerteng numero; 20,25,30,35

TIGRE (TIGER)

Hindi ka mauubusan ng budget gaano man katagal kang makulong sa bahay. Ngayon mo marerealize na mahalaga talaga na palaging maging handa sa anumang sakuna sa lahat ng oras. Ito ang bunga ng iyong pagtitipid.

Masuwerteng numero; 37,39,43,44

KUNEHO (RABBIT)

Para hindi na madagdagan pa ang problemang kinakaharap mo ngayon ay ikaw na mismo ang gagawa ng paraan. Hindi mo man ito masolusyunan lahat ay at least mabawasan man lang. Malaki ang tiwala mo na malalampasan mo ito.

Masuwerteng numero; 5,15,22,23

DRAGON (DRAGON)

Hindi ito ang panahon para ipakita mo ang katapangan sa pakikipag-away. Sa halip ay panahon ito upang ipakita mo ang katapangan sa magandang paraan tulad ng matapang na pagharap sa mahirap ninyong sitwasyon.

Masuwerteng numero; 43,50,56,57

AHAS (SNAKE)

May mga bagay kang hindi maiintindihan sa mga ipinatutupad ngayon sa inyong barangay. Pero wala kang boses para magtanong o mag-usisa kaya naman mananatili itong palaisipan sa’yo sa buong maghapon.

Masuwerteng numero; 3,5,7,9

KABAYO (HORSE)

Wala kang magagawa sa ngayon kundi ang doblehin pa ang iyong pagtitiis. Hindi lang ikaw ang nakakaraans ngayon ng sobrang kahirapan. Halos lahat ay hindi maganda ang pinagdaraanan ngayon bunsod ng covid.

Masuwerteng numero; 16,19,21,31

TUPA (SHEEP)

Kahit papa’no ay hindi mo gaanong mararamdaman ang hirap ng inyong kalagayan dahil maraming nakaagapay sa’yo. Buhos ang suporta ng buo mong pamilya sa bawat isa sa inyo at ramdam ang pagtutulungan.

Masuwerteng numero; 50,54,57,58

UNGGOY (MONKEY)

Hindi mo maiiwasan na hindi makaramdam ng kalungkutan sa gitna ng pinagdaraanan ng lahat lalo na ng mga mas mahirap ang sitwasyon kaysa sa inyo. Malaki pa rin ang iyong paapsalamat dahil nananatili kang ligtas at ang iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 49,64,67,70

TANDANG (ROOSTER)

Kahit na may ibang problema kayong hinaharap ay hindi pa rin mawawala sa inyong pamilya ang hindi pagkakasundo sa maraming bagay. Dapat nyo itong makontrol lalo na at higit ninyong kailangan ngayon ang isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 25,30,34,42

ASO (DOG)

Marami kang dapat ayusin sa loob ng bahay pero hindi mo ito kailangang pagsabay-sabayin dahil matataranta ka lang. Mas makakabuti kung hahatiin mo ang iyong oras at gagawin ito ng organisado at may sistema.

Masuwerteng numero; 12,20,21,22

BABOY (PIG)

Kahit na marami pa ang magdunung dunungan sa inyong trabaho ay ikaw pa rin ang susundin ng lahat. Malaki ang tiwala nila sa’yo at dito ka kukuha ng lakas kahit pa pakiramdam mo ay sobrang bigat na ng responsibilidad na nakaatang sa’yo.

Masuwerteng numero; 4,6,16,18

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here