Chinese Horoscope; Abril 18

0
203

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Isang oportunidad ang darating para sa’yo. Magdadalawang isip ka dahil hindi ka sigurado kung ito ba talaga ang gusto mo. Kakailanganin mo ang payo ng mga mahal mo sa buhay kung dapat mo ba itong tanggapin o hindi.

Masuwerteng numero; 10,12,23,34

BAKA (OX)

Hindi mo palalampasin ang magandang pagkakataon na ito para magbakasyon at makapagpahinga. Matagal mo nang hinihintay ang araw na ito kung saan ikaw ay marerelax mula sa nakaka-stress na mga araw sa trabaho.

Masuwerteng numero; 1,6,47,49

TIGRE (TIGER)

Ikaw ang tipo ng tao na hindi nakakalimot sa mga nagawa ng kapwa mo para sa’yo. Lalo na kung ito ay mabuti. Kaya naman ang mga taong ito ay lilingunin mo at ibabalik sa kanila ang utang na loob sa paraang kaya mo.

Masuwerteng numero; 15,21,30,65

KUNEHO (RABBIT)

Hindi ka kakapusin sa budget dahil ang bakasyon ay iyo nang napag-ipunan at napaghandaan. Gayunpaman, hindi mo kailangan ang mamudmod o gumastos ng sobra-sobra dahil sa oras na ikaw ay maubusan, wala kang ibang maaasahan.

Masuwerteng numero; 8,19,20,24

DRAGON (DRAGON)

Palagi mong pinapakinggan at sinusunod ang iyong sarili, sa halos lahat ng pagkakataon. Oras na para ikaw naman ang makinig sa payo ng iba.Lalo na kung hindi ka sigurado sa pagdedesisyon na gagawin mo. Pag-isipan itong mabuti.

Masuwerteng numero; 14,23,45,56

AHAS (SNAKE)

Mag-ingat sa mga taong makakasalamuha mo ngayong araw.Hindi lahat ng nakangiti sa’yo ay mabuting tao. Ang iba ay may iniisip na hindi maganda sa’yo.Ugaliin na makihalubilo sa marami at iwasan ang mapag-isa.

Masuwerteng numero; 7,13,40,59

KABAYO (HORSE)

Gawing pantay ang pagtingin sa mga anak. Ang iba sa kanila ay nakakaramdam ng selos. Kung ang selos na ito ay magniningas at magiging apoy, hindi malayong lumayo ang loob nila sa’yo. Kaya mahalin sila ng pantay pantay o iwasang ipakita sa kanila kung sino ang iyong paborito.

Masuwerteng numero; 27,34,41,52

TUPA (SHEEP)

Ang mga pinaghirapan mo nitong mga nakaraang araw ay mapapakinabangan mo ngayon. Matutong makiramdam. May mga taong didikit sa’yo dahil sa kanilang mapapala. Meron din namang nais lang talagang mapalapit sa’yo.

Masuwerteng numero; 25,33,34,65

UNGGOY (MONKEY)

Nanamnamin mo ang bawat oras na lilipas na ikaw ay nasa lugar na tahimik at payapa. Malayo sa siyudad. Ang ganitong pagkakataon ay minsan lang dumating sa iyong buhay kaya naman dapat mo itong i-enjoy.

Masuwerteng numero; 43,56,62,69

TANDANG (ROOSTER)

Isang invitation ang iyong makakaligtaas dahil sa kasabikan mong makapagbakasyon. Dahil dito isang kaibigan ang magtatampo sa’yo. Siya ang taong nag-imbita sa’yo at iisipin niya na wala siyang halaga kung kaya’t binalewala mo ang kanyang imbitasyon.

Masuwerteng numero; 18,20,39,41

ASO (DOG)

Magkakaroon ka ng pagkakataon na makabawi sa isang kapamilya na nakasamaan mo ng loob. Huwag mong sayangin ang pagkakataong ito. Iwasan mo na munang makinig sa mga tao na wala namang tunay na malasakit sa’yo.

Masuwerteng numero; 35,42,50,60

BABOY (PIG)

Makakatsikahan mo ang isang kaeskuwela na matagal mo nang hindi nakita. Dahil sa tagal na hindi pagkikita ay marami kayong mapag-uusapan kabilang na ang iyong ex. Tatawanan mo na lang ang dati ay nagpasakit sa dibdib mo.

Masuwerteng numero; 10,19,37,78

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here