Chinese Horoscope; Abril 15

0
270

Latest posts by Madame Yna (see all)

DAGA (RAT)

Sa kabila ng iyong nararamdamang kabiguan ay mananatili kang matatag. Wala kang planong ipakita o ipaalam kahit kanino ang iyong saloobin. Mas gugustuhin mo pa na sarilinin ito kaysa pagpiyestahan ka ng iba.

Masuwerteng numero; 17,30,34,50

BAKA (OX)

Yung akala mo wala ng pag-asa ay bigla ka na lang makakakita ng liwanag. Ito eksakto ang mararamdaman mo sa araw na ito. Dahil ang solusyon sa isang matagal ng problema ay kusang lalatag sa iyong harapan.

Masuwerteng numero; 10,25,32,35

TIGRE (TIGER)

Hindi mo magagawang balewalain ang kahilingan ng iyong mahal. Bihira lang siyang humingi ng pabor sa’yo at alam mo na masasaktan siya kapag hindi mo siya pinakinggan kaya naman pikit mata mo siyang pagbibigyan.

Masuwerteng numero; 11,13,24,28

KUNEHO (RABBIT)

Masuwerte ka dahil kahit anong gawin mo ay hindi ka niya bibitawan. Hindi siya bibitaw sa’yo kahit ipagtulakan mo pa siya. Huwag ka munang magdesisyon ngayon dahil tiyak na pagsisisihan mo ito sa bandang huli.

Masuwerteng numero; 5,17,21,40

DRAGON (DRAGON)

Isang tao na dati mo ng kakilala ang may lihim sa’yo ngayong pagtingin. Hindi man ito direktang lumabas mula sa kanyang mga bibig ay makikita mo naman sa kanyang mga mata at mararamdaman mo sa kanyang mga kilos.

Masuwerteng numero; 1,11,66,73

AHAS (SNAKE)

May mga bagay kang gustong malaman. Pero hindi mo ito pwedeng daanin sa dahas at madalian. Mas makakabuti kung iyo muna itong pag-aaralan. Matutong mag-obserba ultimong sa mga kaliit liitang detalye.

Masuwerteng numero; 15,28,29,55

KABAYO (HORSE)

Ikaw lang ang makakapagsabi kung anong direksyon ang gusto mong tahakin. Huwag mo lang kakalimutang isaalang-alang ang magiging saloobin ng iyong pamilya. Kung hindi ka man nila mapipigilan ay kailangan mong maipaunawa sa kanila ang iyong desisyon.

Masuwerteng numero; 2,10,31,45

TUPA (SHEEP)

Ngayon mo mararamdaman ang kakaibang saya na dulot ng pagpaparaya. Bagamat masakit sa loob mo sa umpisa ay matututunan mo kung paano magpaubaya sa isang tao na alam mong mas nangangailangan kaysa sa’yo.

Masuwerteng numero; 13,15,26,28

UNGGOY (MONKEY)

Sa kabila ng kanyang pangdededma sa’yo ay hindi niya maitatanggi sa kanyang sarili ang lihim niyang damdamin para sa’yo kaya maghanda ka dahil anumang oras ay hindi niya na makokontrol ang sarili niya at aamin na siya sa’yo.

Masuwerteng numero; 6,17,20,30

TANDANG (ROOSTER)

Hindi mo maipopokus ang isip mo sa negosyo kung patuloy kang magpapaimpluwensya sa mga kaibigan mong walang tunay na malasakit sa’yo. Mas makakabuti kung pansamantala ka munang didistansya sa kanila.

Masuwerteng numero; 12,33,65,68

ASO (DOG)

Kakailanganin ka ng iyong anak sa problemang kakaharapin niya. Bagamat hindi malaki ang problemang ito ay ikaw pa rin ang kanyang tatakbuhan at kailangan mong maipakita sa kanya na maliit man o malaking problema ay handa kang tulungan siya.

Masuwerteng numero; 9,12,47,52

BABOY (PIG)

Sa gitna ng iyong pangangailangan ay mapapatunayan mo na hindi ka nagkamali sa pagpili sa iyong matalik na kaibigan. Siya ang laging nasa tabi mo at siya pa rin ang makakasama mo sa lahat ng oras, saya man o kalungkutan.

Masuwerteng numero; 19,48,59,70

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here