Chinese Horoscope Abril 11, 2021

DAGA (RAT)

Hindi ka kakapusin sa budget ngayon pero pakiramdam mo ay mabigat pa rin ang pasok ng pera sa’yo. Ito ay dahil sa negatibong elemento na humaharang sa pagpasok ng suwerte. Ang kalaban ng negatibo ay positibo kaya’t alam mo na ang dapat mong gawin.

Masuwerteng numero; 7,9,16,56

BAKA (OX)

Kahit na gaano mo pigain ang isang tao ay hindi mo pa rin makukuha ang iyong gusto. Gustuhin man niya na bayaran ka sa kanyang pagkakautang ay wala siyang magagawa dahil nasa gitna pa rin siya ng kagipitan.

masuwerteng numero; 5,22,34,40

TIGRE (TIGER)

Mararamdaman mo ang pananabang ng kapareha mo sa inyong relasyon. Wala kanga alam na nagawa mong mali. Pero kung babalikan mo ang mga pinagsamahan nyo ay marerealize mo kung nasaan nga ba ang pagkakamali sa inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 25,38,40,52

KUNEHO (RABBIT)

Magkakaroon ka ng pag-aalinlangan na sundin ang utos ng nakatataas dahil may makikita kang tila hindi tama. Na parang may mali. Kaya naman hindi mo mapipigilan ang sarili mo na mag-imbestiga muna bago ka sumunod.

Masuwerteng numero; 11,13,20,21

DRAGON (DRAGON)

Kukulangin ka sa kaalaman tungkol sa isang proyekto na naiatang sa’yo kaya naman maghahagilap ka ng tao na sa tingin mo ay makakatulong sa’yo para matapos ang proyektong ito. Hindi ka mabibigo sa isang kaibigan.

Masuwerteng numero; 35,37,52,65

AHAS (SNAKE)

Asahan mo na may makakatuwang ka sa pagsusupil sa iyong mga anak. Sa lahat ng iyong kamag-anak, siya lamang ang tunay na nagmamalasakit sa’yo at sa iyong pamilya kaya dapat mo siyang itrato ng maayos.

Masuwerteng numero; 1,3,15,19

KABAYO (HORSE)

Hindi ito magandang araw para bumiyahe ng malayo. Kung ipipilit mo, malaki ang posibilidad na makaengkuwentro ng aksidente. Mas makakabuti kung palilipasin ang araw na ito at pumili ng magandang araw para magbyahe.

Masuwerteng numero; 46,50,64,78

TUPA (SHEEP)

Kalulugdan mo ang katapatan ng isang kasamahan sa trabaho na mas mababa ang posisyon kaysa sa’yo. Sa araw na ito ay mapapatunayan mo na kahit sia ay nasa mababang pwesto lang ay pipiliin niyang maging tapat.

Masuwerteng numero; 39,41,52,63

UNGGOY (MONKEY)

Hindi pa ito ang araw ng pag-angat. Sa kabila nito ay hindi ka rin magagawang ibaba ng husto ng mga tao na gusto kang pabagsakin. Maaaring magtagumpay sila ng konti sa ngayon subalit hindi ito magiging lubos.

masuwerteng numero; 18,45,67,69

TANDANG (ROOSTER)

Iwasan mo ang mga tao na wala namang maitutulong sa’yo sa halip ay kakaladkarin ka lang unti-unti patungo sa sitwasyon na hindi maganda. Mararamdaman mo naman ito kaya’t matuto kang magtiwala sa iyong instinct.

Masuwerteng numero; 9,10,12,14

ASO (DOG)

Dahil sa isang maliit na pagkakamali ay mapagdududahan ka ng iyong boss. Ihanda mo na ang iyong sarili dahil maaari kang malagay sa sitwasyon na hindi katanggap tanggap para sa’yo. Piliin ang mga taongpagkakatiwalaan mo.

Masuwerteng numero; 27,33,36,49

BABOY (PIG)

Huwag ka ng umasa sa iyong ex. Kahit na ano pang pag-asam mo at kahit na ano pang gawin mo ay hindi kayo magkapalad. Nagdaan lamang siya sa buhay mo para sa kanyang misyon at hanggang doon na lamang ito.

Masuwerteng numero; 14,22,25,30

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here