Championship Game #3: Ateneo Blue Eagles kampeon sa UAAP Season 80 Men’s Basketball

0
43
UAAP Season 80

DINAGIT at tinapos na ng Ateneo de Manila University Blue Eagles ang pamamayagpag ng De La Salle University Green Archers sa larangan ng basketball sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Inagaw ng Ateneo ang korona sa kalabang De La Salle sa harap ng higit 22,000 nanood sa Championship Game #3 ng UAAP Season 80 Men’s Basketball Finals, Linggo, Disyembre 3, sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.

Pinangunahan ni Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III, ang Blue Eagles at nakamit ang kanyang unang kampeonato sa Men’s Division,  at nakapagtala ng 17 puntos, pitong rebound, apat na assist at tatlong steal habang si Matt Nieto ay may 14 puntos at si Chiz Ikeh ay may 12 puntos. Kinilalang Finals MVP si Ravena.

Matatandaang noong 2012, nagkampeon ang Blue Eagles at nakuha ang five championships in a row, kung saan tinalo ang University of Santo Tomas Growling Tigers, sa score na 65-62.
Samantala sa Championship Game #1, nasungkit ng Ateneo sa karibal na De la Salle University ang Game 1 Final sa score na 76-70.

Matapos ang mahabang pakikipaglaban mula elimination round hanggang semifinals, na muntikan pang matalo sa semifinals sa kabila ng lahat ay nagkaharap na muli ang Ateneo at La Salle para sa pinaka aasam na kampeyonato para sa UAAP Season 80 Finals.

Isa sa dahilan kung bakit kinapos ang La Salle na makuha ang panalo ay dahil sa hindi magandang laro ni reigning MVP Ben Mbala na nagtala lamang ng 8 na puntos sa huli ay pinuri ni Ben Mbala ang depensa ng Ateneo at nangako na muling babalik upang maghiganti at kunin ang ikalawang panalo.

Nagkatotoo nga ang pangako ni Mbala dahil sa Championship Game #2.

Isang malaking katanungan para sa De la Salle University matapos manalo ang Ateneo sa nakaraang Game 1 Finals.

Maraming nag-akalang matatapos na ang season na ito dahil naging maganda ang simula ng Ateneo at pinasiklaban agad ang La Salle at nagtala ng 24-9 lead sa simula ng laro. Pero sa larong ito pinamalas ng La Salle ang kanilang galing at husay sa basketball at hindi pinahintulutan ang kalaban ng huling laro nila sa season 80. 

Hindi nagtagal at natapos ang come from behind win ng La Salle kontra Ateneo at tinapos sa score na 92-83. Hindi naging madali para sa La Salle na makuha ang panalong ito at naging isang malaking panghihinayang naman ang nararamdaman ng Ateneo dahil hindi pa nila nagawang tapusin ang serye. 

Sa huli nga, ang do-or-die Game 3, ay inasahan na at ang dikitang laban ng dalawang magkaribal sa basketball.

Sa pagtatapos ay naagaw na ng Ateneo de Manila University Blue Eagles ang korona sa De La Salle University Green Archers.

Ang score Ateneo 88 – Ravena 17, Ma. Nieto 14, Ikeh 12, Asistio 11, Tolentino 9, Go 7, Verano 6, Mendoza 5, Black 4, Mamuyac 3, Mi. Nieto 0.

Nakakuha naman ang DLSU ng kabuuang 86 — Mbala 19, Melecio 16, R. Rivero 14, Caracut 13, Santillan 11, Tratter 4, Go 3, Montalbo 3, P. Rivero 2, Tero 1, Baltazar 0.

 

QUARTER SCORES: 24-14, 45-38, 66-66, 88-86.

 

PhilippineOne is actively accepting articles in Tagalog or English from Filipinos and/or expats living in the Philippines.  Get published today on any subject you feel like writing about. Send your articles to info@philippineone.com with a brief description.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here