Championship Game #2

0
23
UAAP Season 80

“Win or go home?” iyan ang isang malaking katanungan para sa De la Salle University matapos masungkit ng Ateneo ang unang panalo noong nakaraang Game 1 ng UAAP Season 80 Finals.

Maraming nag-akalang matatapos na ang season na ito dahil naging maganda ang simula ng Ateneo at pinasiklaban agad ang La Salle at nagtala ng 24-9 lead sa simula ng laro. Pero sa larong ito pinamalas ng La Salle ang kanilang puso sa laro na hindi nila hinayaan na ito ang kalalabasan ng maaring huling laro nila sa season na ito. Pero sa pangalawang quarter ng laro ay lumobo pa ang kalamangan at umabot pa ito sa 21 puntos na kalamangan 49-28.

Matapos ang 1st half ng laro ay mas naging desidido na ang La Salle na kailangan nilang makadikit sa laro at kailangan nilang ibaba ang kalamangan. Sa pagkakataong ito napagtagumpayan ng La Salle ang inaasam nilang comeback at nagtala ng matinding 40-10 run para makuha ang kalamangan at tapusin ang quarter sa score na 68-59.

Nagsimula ang 4th quarter na nabaliktad ang lahat sa pagkakataong ito magsisimula ang quarter ng nasa La Salle ang kalamangan at naging mahirap para sa Ateneo na pigilan ang momentum na nabuo ng La Salle. Sa huling yugto ng laban pinilit isalba ni Aaron Black ang Ateneo sa pamamagitan ng three points at ibaba ang kalamangan sa 70-74 sa huling anim na minuto ng laro. Pero, nagtulong-tulong sina Ben Mbala, Ricci Rivero at Andrei Caracut upang magtala ng 11-2 run at iangat ang kalamangan 85-72.

Hindi nagtagal at natapos ang come from behind win ng La Salle kontra Ateneo at tinapos ang lahat sa score na 92-83. Hindi naging madali para sa La Salle na makuha ang panalong ito at naging isang malaking panghihinayang naman ang nararamdaman ng Ateneo dahil hindi pa nila nagawang tapusin ang serye. Pero ang isang sigurado lang ay tutungo sila sa sa huling laban Game 3 ng UAAP Finals ang winner take all ng serye. Dito makikilala na natin ang ituturing na kampeyon.  Makakabawi ba ang Ateneo? o makukuha muli ng La Salle ang korona?.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here