Carmina Villaroel: A Beautiful Lady with a Beautiful Heart

826

Si Maria Carmina Muniz Villaroel-Legaspi ay ipinanganak noong August 17, 1975. Siya ay isang aktres, TV host at commercial model.

Nagsimulang gumawa ng pelikula si Carmina sa bakuran ng Regal Films noong 1980s. Noong kalagitnaan ng 1990’s, lumipat siya sa Viva Films.

Lumabas siya sa teleseryeng Recuerdo de Amor mula 2001 hanggang 2002 nang bumalik siya sa ABS-CBN. Habang nasa network nag-host din siya ng Morning Girls mula 2002 hanggang 2003. Lumipat si Carmina sa GMA 7 kung saan ay nag-host siya ng morning show na Sis noong 2003 kasama ang real-life sisters na sina Janice at Gelli de Belen hanggang sa magtapos ito noong 2010. Kasama ang asawang si Zoren Legaspi, nag-host sila ng morning show na Love ni Mister, Love ni Misis mula 2010 hanggang 2011. Dati siyang contract artist ng GMA 7 sa ilalim ng GMA Artist Center.

Bumalik siya sa ABS-CBN noong January 2012 para bumida sa seryeng Lorenzo’s Time. Nag-host din siya ng weekly entertainment news program, ang Showbiz Inside Report kasama si Janice de Belen, Joey Marquez at Ogie Diaz. Lumabas din siya sa mga hit teleserye na Got to Believe at Bridges of Love. Gumanap siya bilang si Lucille dela Rosa sa afternoon melodrama ng ABS-CBN, ang Doble Kara.

Matapos ang Doble Kara bumalik si Carmina sa GMA 7 para lumabas sa travel-reality show ng network, ang Road Trip kasama ang kanyang asawang si Zoren Legaspi at mga anak na sina Cassandra at Maverick.

Ikinasal si Carmina kay Rustom Padilla (ngayon ay BB Gandanghari) noong 1994. Na-grant ang kanilang annulment noong 2002.

Pinakasalan ni Carmina ang long time partner na si Zoren Legaspi noong November 15, 2012. Pinlano ni Zoren ang surprise proposal at kasal sa tulong ng kanilang mga kaibigan at ng ABS-CBN network. Ang seremonya ay ipinalabas noong sumunod na Sabado bilang television special, ang Zoren-Carmina: Always and Forever, A Wedding Like No Other.

Si Carmina ay ikinokonsidera na isa sa may pinakamagandang mukha sa showbusiness. Pero higit pa sa kagandahang iyon, maganda rin ang puso ni Carmina. Siya ay natural giver sa mga bata. Na-awaken siya sa value ng motherhood, naging committed siya sa pagbibigay ng kanyang time and effort para magbigay ng kaligayahan sa mga kapus-palad na kabataan. Naging annual tradisyon na ang pagce-celebrate ni Carmina ng kanyang birthday sa Philippine Orthopedic Center kung saan hinahandugan niya ang mga bata ng pagkain, regalo, palaro at entertainment sa pagnanais na pawiin ang physical at mental pain na dinaranas ng mga ito.

Kasama ang asawang si Zoren, aktibo sila sa pagbibigay ng suporta sa Philippine Society for Orphan Disorders na naglalayong palawigin ang kaalaman ng publiko sa mga rare disorders sa Pilipinas tulad ng Pompe Disease, Gaucher Disease at Methymalonic Acidemia.

Bilang isa sa mga spokespersons nito, patuloy ang pagtulong ni Carmina sa PSOD, pinakakalat niya ang mensahe nito sa pamamagitan ng kanyang various media exposure at pagiging bahagi ng photo library na ginagamit sa awareness campaign.

 

SOURCES (ARTICLE):

https://en.wikipedia.org/wiki/Carmina_Villarroel

https://www.spot.ph/entertainment/entertainment-peopleparties/46009/10-most-charitable-filipino-celebrities

 

SOURCES (IMAGE):

http://www.megascene.net/?p=1882

http://ffemagazine.com/drawback-great-actress

 

SHARE
Previous articleNag-babu ang gf na gustong yumaman
Next articleHoroscope, Enero 17, 2018
MIA SALONGA studied professional makeup and worked as a nurse in a dermatological center. She is also a romance writer and is currently training to become a scriptwriter. She hopes to one day see her written work come alive on the small or big screen.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here