CAHOKIA, ANG NAGLAHONG ‘CITY OF BIRDMEN’

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Noong nagdaang 1000 taon sa isang floodplain ng Mississippi River, malapit sa modernong  lunan nito ngayon na St. Louis; ito ay siyang sinasabing sinaunang Native American city na kilala sa tawag na ‘Cahokia’ na naglaho na sa mapa. Tinatawag ding itong “City of Birdmen”

Pagkalipas pa ng 300 taon, ang bakas ng baha sa nasabing lunan ay inabandona na ng mga naninirahan dito. Ang rason sa masalimuot na paglaho ng Cahokia ay isa lamang sa dakilang misteryo ng American prehistory. Ngunit, iginiit sa pinakabagong pananaliksik na na posibleng dahilan ng paglaho ng siyudad ay ang catastrophic flood.

Ayon sa isinagawang pag-aaral na isinagawa sa pangunguna ni Samuel E. Munoz, isang doctoral student sa University ng Wisconsin, Madison; inihayag niya sa 2013 conference ng Geological Society of America na ang sediment cores mula sa gilid ng lawa malapit sa Cahokia ay naglalahad na ito ay sinalanta ng baha tinatayang noong 120 C.E ( Common Era).

Ito’y nangyari noon ang siyudad ay nagtatamasa ng kanyang kapangyarihan at mabilis na paglago ng populasyon. Habang inaalisa nina Munoz ang mga cores mula sa Horshoe Lake o ang lawang (oxbow lake) na nahiwalay sa Misssissippi River tinatayang naganap noong 1,700 taon na ang nakararaan, natuklasang ang layer ng silty clay na may 7.5 pulgadang kapal aykagagawan ng massive ancient flood o ng Bahang Gunaw. 

Ang baha rin ang sinasabing rason sa pagkasira ng mga pananim at pamayanan ng Cahokia na ang populasyon ay mga nasa 15,000 katao. Pagkalipas ng 150 taon ng baha, ang hilagang Mexico ay naging ghost town na sinasabing pinananahan noon ng makabagong mamamayan sa Europa. Ang pananaliksik nina Munoz ay sinuhayan ng National Geographic Channel. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here