Bulkang Taal, Ginulantang Ang Pilipinas

Ang bulkang Taal ang siyang pumapangalawa sa bulkang Mayon bilang pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas. Dalawampu’t limang beses na itong pumutok na nagsimula noon pang 1572. Limang dekada na ang nakalipas mula nang huli itong sumabog. Tinatawag din itong Pulong bulkan na matatagpuan sa Lawa ng Taal sa Batangas. Ang taas nito ay 984 na talampakan o 300 na metro. Mayroon itong maliit na crater o bunganga na pinangalanang lawang dilaw. At ngayon nga ay muling ginulantang ng bulkang Taal ang buong Pilipinas nang ang kanyang pananahimik ay mapalitan ng biglaang pagsabog.

Oktubre 3,1977 nang huling mag-alboroto ang bulkang Taal. Enero 12,2020 nang muli itong magparamdam. Hindi nakapaghanda ang marami. Ang lahat ay nagulantang sa biglaang pagsabog nito. Nagbuga ito ng aabot sa 100 metrong taas na abo. Bandang alas onse ng umaga nang iparamdam  nito ang mga pagyanig. Bandang ala-una naman ng hapon nang magkaroon ng phreatic explosion na siyang dahilan para lumaki ang ibinubugang usok nito ayon kay Phivolcs officer in charge, Renato Solidum. Habang binabagtas ng bus na sinasakyan ko ang daan palabas ng Laguna ay umaambon na ng abo. Ang bubungan ng mga sasakyan ay puno na rin nito. Ang mga taong nakikita kong naglalakad ay puro naka face mask. Habang ang iba ay nagbukas na ng payong upang kahit papa’no ay may proteksyon sila mula sa mga nagbabagsakang abo.  Nakakairita sa balat, nakakaubo at nakakapuwing ito kaya naman kailangan talaga natin na protektahan ang ating sarili at paalalahanan ang mga mahal natin sa buhay na mag-ingat rin.

Agad na ring nagkansela ng klase sa lahat ng antas sa mga apektadong lugar gaya ng Calabarzon, Central Luzon at Metro Manila. Suspendido na rin ang pasok sa mga opisina ng gobyerno sa mga area na apektado. Ang mga pasyente namang naka-confined sa Tagaytay Medical Center ay pinalilipat na rin sa mga ospital na malayo sa apektado ng mga pagyanig at pag-ulan ng abo upang masiguro ang kaligtasan na rin ng mga pasyente.

SHARE
Previous articleOnline Horoscope by Maestro Honorio Ong January 14, 2020
Next articleNag-aalborotong Bulkan Sa Panaginip

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here