Bulak, asin at bigas ang mag-ahon sayo sa hirap

Alam naman natin na ang bulak ay subrang napakagaan, kaya kung meron pa nito palagi ay makakatulong itong na gumaan ang ating pamumuhay at ang asin na ay mabisang pantanggal ng mga negatibong enerhiya at ang bigas ay kasaganahan.

Kaya nga kung tayo ay naglilipat ng bahay dapat lagi nating Iunang ipasok ang bigas asin at bulak.

Nagyon aking ituturo sa ang paraan ng pagamit ng bulas asin at bigas upang tayo naman ay makaahon sa hirap ng buhay. Ngunit tiyakin lamang na ikaw ay may positibong isipan at isang daang porsyento ang tiwala mo dito.

Gagawin ito ng martes o kaya ay biyernes ng umaga habang ikaw ay nakaharap sa silangan kumuha ng isang kutsarang bigas, isang kutsarang Rock salt at walong piraso ng cooton balls.

Ilagay ang mga ito sa isang pulang pouch o kaya ay pulang tela.

Una mong ilagay ang asin sunod ang bigas at saka mo ilagay ng pa isa – isa ang bulak. Kung tela ang iyong gamit ay tahiin mo ito upang hindi matapon ang ating mga sangkap pagkatapos ay humarap ka sa silangan, humiling na sa pamamagitan nila ay tulungan kang na mas mabuti at gagaaan ang takbo ng inyong mamumuhay di lamang sayo kundi sa buong pamilya.

Pagkatapos ay hayaan itong masinagan ng Araw sa loob ng 30 mins.

Pagkalipas ng 30 mins kuhanin mo ito at ilagay sa wealth area ng inyong bahay maaring isabit doon.

Maaari ka din maglagay nito sa isang malinis na garapon at ialay sa inyong altar.

Maniwala magtiwala, maging positibo, magsikap at manalangin

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here