Buhay ng isang martir na asawang natutong bumangon mag isa

0
898

Latest posts by PhilippineOne Contributor (see all)

Gaano ba kahirap maging single Mom or single parent well isa lang naman ako sa mga single parents. Naging isa akong single parent noong May 2013 ngunit napakadami kong dinanas bago mag sesisyon na makipaghiwalay naranasan ko kung paano pagtaksilan, mahampas ng tubi ng nawasa dahil sa selos na walang ka sapat sapat na dahilan, iyong ay dahil sa aking pangako sa aking sarili na ako ay magkakaroon ng Buong pamilya.

Lahat ay dapat tiisin dahil iniisip ko na hindi ko kayang mabuhay ng wala siya kahit pa lagi nya akong sinasaktan lasing man o hindi nang dahil sa lintik na selos na iyan. Pagdating ko ng trabaho ay hindi ako maaring maligo, hindi ka pwede maabutan na nakaharao sa pintuan dahil iniisip nya na mayroon kang inaabangan ngunit tuloy pa din ang buhay dahil mahal ko ang pamilya ko at hindi ko nais na lumaki ang aking mga anak na walang ama. Hanggang sa isang beses na nakainom sya at nakita ko sa cellphone nya na kausap nya ang kabit nya at sinabing hindi daw sila makatulog ng anak nila, kaya naman nagulat ako at nagtanong sa kanya ang sabi nya ay nagbibiro lang, dahil nga sa mahal ko sya naniwala ako. Dumating sa punto na lasing sya at sinoutan nya ako ng helmet bago pinagsasapak sa muka na dahilan upang mabutas ang aking nguso, namuo ang aking dugo sa mata ngunit ang pinaka masakit ay imbes na dahil ako sa ospital ay umalis lamang sya.

Tinawagan ko ang kapatid ko upang humingi ng tulong, ng nadala ako sa ospital at matahi ang mabutas sa aking nguso pagkatapos non ay hindi padin ako simuko, ni hindi ko sya pina blotter, tumuloy ako sa aking kapatig at ng makita nila ako ay galit na galit sila, lumapit sa akin ang anak ko at umiiyak at nakiusap na huwag nakong bumalik sa kanyang ama, mas gusto pa daw nilang lumaki ng walang ama kaysa makita nya ako na laging sinasaktan pero hindi ako nakinig at bumalik sa kanya at nadagdagan pa ang aming anak at nung buntis ako ay ayaw nya na ituloy ang aking pagbubuntis ngunit nanindigan ako. Nakalipas ang siyaw na buwan at sinilang ko ang aming bunso, ngunit tatlong araw pa lamang ay nag umpisa ng manggulo ang kanyang kabit, tinetext nya ako na pauwi na raw ang aking asawa galing sa kaniya

Iyong hindi ko na maramdaman yung privacy, iyong dina ako makatulog sa gabi kahit sa trabaho hindi ako makapag focus dahil kahit sa facebook nya babae nya ang gumagamit, andyan yung nagpopost ng kung ano ano lahat ng ginagawa halos ultimo ata pag ihi ko alam nya doon na ako nagdisisyon na bago pa ako mabaliw ay kailangan ko ng bumitaw akala ko nung una pero mali pala ako mas gumaan ang pakiramdam ko ng nagdisisyon akong humiwalay sa kaniya mahirap dahil di naman sya nagsusuntento ng tama ngunit sinikap kong ibigay lahat ng kailangan nila. Sa awa ng Diyos okay naman ang buhay namin ng wala siya kaya kung may isa man sa inyong nasa ganitong sitwasyon gumising kana wag kang magpapadala sa takot, wag na tayong pumayag na gawing punching bag, malalagpasan natin ang lahat kahit magisa tayong nagtataguyod sa ating mga  anak ng walang takot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here