‘Boy With Luv’ ng BTS, Naging “Most Streamed” na KPOP song sa Spotify

Ang kantang Boy With Luv ng Kpop Group na Bangtan Sonyeondan o BTS ang nagkaroon ng pinakamataas na stream sa Spotify, isang sikat na audio streaming website.

With over 285 milyong stream, nataasan ng grupo ang kantang Kiss and Make Up ng grupong Blackpink na may 284 milyong streams. Kasama ring nataasan ng stream ang kantang ‘Kill This Love’ at ‘Ddu-Du-Ddu’ ng Blackpink at  ‘Gangnam Style ni Psy’.

Bagamat dominated ng Western Singers ang spotify, muling napatunayan ng mga Asyano na may ilalaban an gating lahi pagdating sa larangan ng musika. Sino ba naming hindi magagandahan sa kantang ‘Boy With Luv’ ng BTS hindi ba? Bagamat hindi natin maiintindihan ang kahulugan ng bawat salitang lumalabas sa kanilang bibig, marami pa ring nakapansin sa kanila.

Not to mention ang kanilang killer choreography ng group na talaga naming nagkaroon pa ng maraming dance cover.  Dahil sa grupong ito, marami nang tumangkilik sa tugtugang Asya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here