Boss, ang ex boyfriend

Dear Maria, Hindi ko akalain na muli kong makikita ang ex ko sa kumpanyang pinasukan ko. Ako ang nakipag break nu’n sa kanya dahil tingin ko ay wala naman siyang kinabukasan kaya sobra akong nanliit ng malaman kong siya pala ang aking boss. Tutuloy pa ba ako sa trabahong ito? Jane

Jane, Mahirap talaga ang maging mapanghusga, kadalasan ay nakakarma ka. Ganyan ang nangyari sa’yo at di ko na gugustuhing magsabi sa’yo ng ‘buti nga’. Hindi ka naman kasi manghuhula kaya imposible talagang malaman mo kung ano ba ang mangyayari bukas. Naging mapanghusga ka kasi kaya ngayon ay daig mo pa ang nakarma. Biruin mo, mas mataas pa ang posisyon sa’yo gayung buong akala mo ay wala kang magandang kinabukasan na mahihita sa kanya.

Masakit man sa pride mo pero kailangan mong magpatuloy. Lalabas naman kasi napakaapektado mo kung pipiliin mong huminto. Saka, sa panahon ngayon ay mahirap maghanap ng trabaho kaya mas makabubuti pa kung babaan mo na lang din ang pride mo. Kahit di naman kayo nagkaroon ng happy ending niyang boss mo, mayroon pa rin kayong pinagsamahan kaya makabubuting mag usap kayo.

Sure ako na nakatulong din naman sa ex boyfriend mo ang panda down mo sa kanya noon kaya narating niya ang kanyang kinalalagyan noon kaya masasabi kong mayroon din siyang utang na loob sa’yo. Para matuldukan na ang guilt na nararamdaman mo, kausapin mo ang ex boyfriend mo.

Mahirap masyado ang sitwasyon mo ngayon kaya ipinapayo ko sa’yong lakasan mo ang loob mo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here