Bitcoin sa Pilipinas

0
536

Sigurado akong marinig o nabasa mo na ang bitcoin. Kung hindi mo alam kung ano ito, ito ay isang uri ng crypto currency o pera online. Maaari itong gamiting pambayad ng mga binili mong gamit online. Hindi involve ang anumang banko, credit card o kahit ano pa mang ibang mga kilalang non-government at government entities dito.

Binalaan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas at mismo ng gobyerno ang mga tao tungkol sa pag-i-invest ng pera sa Bitcoin. Ito at delikado dahil maraming manloloko ang umaalialigid sa Internet para pagsamantalahan ang kasikatan nito.

Wala ring kasiguraduhan ang iyong pera. Umabot na sa lagpas $10,000 ang bitcoin pero bumababa rin ito bigla at hindi alam ng karamihan kung bakit ganoon na lamang magbago ang presyo nito. Wala rin itong kapalit kapag bigla na lang nagsara o nawala. Marami ang nagsasabi na mas dadami pa ang mag-i-invest sa Bitcoin at ito ay maaaring umabot sa $60,000 sa susunod na taon.

Hindi ganoon kadali ang mag-invest sa Bitsoin. May mga miners na tinatawag kung saan sila ang nagbi-verify ng mga transaksyon na nangyayari. Mayroon din na tinatawag na blockchain. Ito ang listahan ng mga transaksyon na nagaganap sa buong mundo. Mayroon din mga virtual wallet kung saan dito mo itatago ang iyong bitcoin para ito ay safe at hindi magalaw ng iba pang mga investors o nagmamay-ari din gn Bitcoin. Simula noong 2015 ay may mga tindahan na tumatanggap ng Bitcoin para pambayad sa kanilang goods at services.

Ang mga tao ay nag-i-invest ng Bitcoin. May mga Pilipino na ring nakapag-invest dito. Pero, paano mo nga ba malalaman kung hindi scam ang napasukan mong kumpanya o bitcoin?

Aralin mo munang mabuti ang lahat ng bagay na may kinalaman dito upang hindi ka maloko.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here