BIO: Nash Aguas

0
510

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Si Nash Aguas ang gumaganap na Calvin Buenavista sa programang The Good Son. Mayroon siya ritong sakit na schizophrenia kaya naman lumabas ng husto ang kanyang galing. Nagawa niya kasing panindigan na mayroon nga siyang sakit sa pag-iisip. Talaga kasing kapani-paniwala ang kanyang pag-arte lalo na kapag nagsisimula nang umikot ang kanyang paningin. Kapag may narinig na siyang boses ay mag-iiba na rin ang kanyang ekspresyon, magagawa pa niyang awayin ang kanyang sarili kaya naman talagang mapapalakpak ka sa klase ng kanyang pag-arte.

Nineteen years old pa lamang si Nash pero napakahusay na niyang umarte. Hindi lang sa bawat bigkas ng kanilang dialogue, pati na rin ang kanyang ekspresyon. Kunsabagay, 5 taong gulang pa lamang siya ay nakukuha na niyang umarte. Nanalo pa nga siyang Best Child Performer sa Shake, Rattle & Roll (part 8&9) noong 2006 at 2007.

Kaya naman talagang hindi nagkamali ng pagdedesisyon si Nash at ang kanyang mga magulangng isali siya nito sa Star Circle Quest kung saan siya ang tinaguriang Grand Kid Questor. Sa patimpalak na iyon pa lang kasi ay naipakita na niya ang kanyang kakayahan kaya talagang hindi kataka-taka kung nag-level up na ng husto ang kanyang pag-arte. Nakakatuwa rin na hindi lang siya magaling sa pagda-drama. Ibinibigay niya rin ang galing niya sa pagku-comedy. Napasali din kasi siya sa Goin’ Bulilit.

Dahil nga sa masasabing nagawang masubaybayan ng publiko ang buhay ni Nash mula ng pumasok siya sa showbiz, tiyak na marami rin ang napapangiti sa kanya. Mula kasi sa kanyang pagiging child star ay isa na siyang ganap na teenager ngayon kaya naman nagagawa na rin niyang magpakilig. Nakakatuwa naman kasi talaga silang panoorin ni Alexa Ilacad.

Pero, si Nash ang tipo ng artista na kahit walang ka-loveteam ay papansinin. Sabi ko nga sa inyo, magaling kasi siya talagang artista. Damang-dama mo sa kanyang ekspresyon at bawat bigkas ng kanyang dialogue ang kanyang damdamin. Kaya naman sa programang The Good Son ay nagagawa niyang ipakita kung gaano siya kabuting anak ni Olivia Buenavidez (Eula Valdez). Para ngang dinurog ang puso ko ng pakiusapan niya ang ama niyang si Dado (Jeric Raval) na huwag nitong barilin ang kapatid niyang si Enzo (Jerome Ponce).

Talagang sa karakter niyang Calvin Buenavidez ay sobrang umangat ang kanyang galing. Maraming puso ang nagawa niyang palambutin. Hindi man siya ang pinakabida ng The Good Son pero ang role niya ay isa sa pinakatumatak sa isipan ko. Hindi ko kasi magawang mamuhi sa kanyang karakter bagkus ay nagawa ko pa siyang kaawaan ng husto.

 

More BIO’s

More The Good Son

More TV Reviews

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here