Bio: Mylene Dizon

693
mylene dizon on philippineone.com

Kahit na nakita ko ng nahulog si Racquel Reyes mula sa rooftop, hanggang sa huling sandali ay umasa pa rin ako na mabubuhay siya. Inasahan ko kasi na dahil nakita na ng mga pulis na mahuhulog siya’y umasa ako na makakagawa sila ng paraan para makatulong. Maaari naman silang kumuha ng maaaring maipansalo kapag nahulog. Kaya, masasabi kong, I am so disappointed na pati sa palabas ay hindi nakakapag-isip ang mga pulis.

Pero, ang masasabi ko naman kay Mylene, good job. Kahit na nagtapos na ang karakter niya sa The Good Son, hindi pa rin talaga malilimot ang kanyang karakter na talaga namang tumatak ng husto sa ating puso’t isipan. Siya kasi ang butihing ina nina Joseph (Joshua Garcia) at Obet (McCoy De Leon). Kaya, talagang kamahal-mahal ang kanyang karakter kahit pa sabihing naging kabit siya ni Victor Buenavidez (Albert Martinez)

Ngunit, sino ba talaga si Racquel Reyes sa tunay na buhay? Siya si Mylene Lilibeth Dizon, ipinanganak siya noong September 3, 1974. At mayroon siyang dalawang anak kay Paolo Paraiso. Sa interview niya noon ay sinabi niyang iisa lang ang gusto niyang maging tatay ng kanyang anak kahit pa sabihing dalagang ina siya. Ewan ko lang kung seryoso nga ba talaga siya ng sabihin niya noon na tinawagan pa niya ang ex-boyfriend na si Paolo para sabihing gusto niyang magkaroon ng kapatid ang kanilang anak. Sa tunay na buhay naman kasi ay kalog siya. Kaya nga masasabi kong kahit na tunay na buhay ay gusto ko siya. Siya kasi ang tipo ng aktres na walang kaplastikan sa katawan. Sasabihin kung ano ang nasa isip.

Teenager pa lang siya ay nakikita ko na siyang umarte. Isa nga siya sa bida sa Teen-Oriented series na Gimik na tumakbo rin ng tatlong taon. Bagamat madalas ko siyang mapanood na mabait ang karakter, mayroon din akong napanood na naging kontrabida siya at masasabi kong epektibo rin siyang kontrabida. Ang katunayan na naging magaling talaga siyang aktres sa larangan ng pag-arte, ay ang mga awads na kanyang nakuha.

Sa PMPC Star awards for Movies ay naging New Movie Actress of the Year siya sa pelikulang Calvento Files: The Movie (1999), sa Cinemalaya Independent Film Festival, nanalo siyang Best Actress sa pelikulang 100. Dahil din sa pelikulang 100 ay nanalo siyang Best Actress sa Gawad Urian, Best Performance by an Actress in the Lead Role at Best Actress sa FAP Luna Awards. Sa programang Tayong Dalawa naman ay nagwagi siyang Best Ensemble Performance in a Television Drama.

Sa galing na ipinakikita niya sa bawat karakter na kanyang ginagampanan, talagang nakakalungkot na wala na siya sa programang The Good Son.

More Bios

More TV Reviews

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here