Kristina Yambao
Latest posts by Kristina Yambao (see all)
- 5 Sa Mga Maiiyag ng KPop Na Kilalang Madiskarte sa Buhay - July 14, 2018
- BIO:Kim Wan Sun - July 14, 2018
- 5 Lalake ng KPop na may Pinaka Maiyag na Katawan - March 28, 2018
Si Kim Wan-sun ay isang South Korean na mang aawit na naging tanyag na sa murang edad na dise siyete at nakakuha ng pangalan’g Madonna of South Korea. Siya din minsang tinatawag na female version ni Michael Jackson at hinirang na reyna ng pagsasayaw sa pinasikat na mga musika sa Korea sa kapanahunan ng renaissance.
Ipinanganak si Kim Wan-sun noong 1969 sa Seoul, South Korea. Sumailalim siya sa napakaraming label. Una siya’ng sumailalim sa Jigu Record noong taong 1986-1989, sumunod dito ang Asia Record sa mga tao’ng 1990-1992. Naging pangatlo ang PolyGram Record noong 1993-1996 at umabot naman siya ng isang tao sa GM Entertainment/King Record noong taong 1996-1997. Nagpahinga sa industriya ng KPoop si Kim Wan-sun saglit at bumalik at nagtrabaho sa ilalim ng Pan Entertainment/Yedang Entertainment noong 2002-2004. Sa sumunod na taon, siya ay lumipat sa Ace Media/Doremi Media at naging bahagi ng industriya ng isang taon. Noong 2011-2013, siya ay sumailalim sa KW Sunflower Entertainment/KT Music at sa kasalukuyan simula noong 2014, siya na ay nasa ilalim ng KW Sunflower Entertainment/Danal Entertainment.
Hindi maipagkakaila ang pamamayagpag sa kasikatan ni Kim Wan-sun lalo’ng lalo na noong 1980’s hanggang 1990’s dahil ito sa mga panaho’ng ito siya ay nakagawa ng mga kanta na nasa Mandarin na lenguahe at naging numero uno ang tatlo sa kanyang mga kanta at bumenta ng hindi mahigit kumulang isang milyon na kopya. Sa Mandarin, siya ay kilala sa pangalan’g Jin Yuan-xuan. Umani siya ng parangal na Singer Award noong 1991 galing sa KBS Music Awards.
Noong 2006, nakatira si Kim Wan-sun sa Hawaii ng mga tatlong taon at nakapag aral ng digital arts sa University of Hawaii. Bumalik siya sa industriya ng KPop noong 2011 at nailabas niya ang kanyang Super Love EP. Simula noon, siya ay nakapagtayo na ng kanyang production company at tumutulong na humanap ng mga bagong bata’ng may talento sa pagkanta at pagsayaw.