BIO: Jerome Ponce

541
Jerome Ponce in PhilippineOne.com

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Latest posts by Jhen Dechilla (see all)

June 4, 1995 nang ipanganak si Jerome Ponce o Joseph Jerome Gapido Porciunculasa tunay na buhay ay bahagi ng sikat na serye ngayong The Good Son. Siya si Enzo Buenavidez, ang legitimate son nina Victor (Albert Martinez) at Olivia (Eula Valdez), kaya naman ng mamatay ang kanyang ama ay sinabi niya sa kanyang sarili na hindi niya pababayaan ang ina at ang kapatid niyang si Calvin (Nash Aguas).

Nakakainis man ang karakter niya bilang Enzo, lalo na nu’ng oras na hindi niya tinulungan si Joseph (Joshua Garcia) para iligtas si Racquel (Mylene Dizon), ‘di maitatatwa na magaling naman siyang umarte. Iyon nga ang dahilan kung bakit mas bumibigat ang loob sa kanya ng mga manonood. Bukod doon ay nakakahanga rin naman ang kanyang karakter. Mapagmahal kasi siyang anak, kapatid at apo. Kahit nabibigatan na siya, hindi niya gugustuhin na iwanan o talikuran ang kanyang pamilya.

Ngunit, sino nga ba si Jerome Ponce sa tunay na buhay? Gusto mo bang mas makilala siya?

Kung sa The Good Son, si Enzo ang binabantayan ng mga pulis, sa Barangay 628 Sta. Mesa naman , si Jerome ang SK Chairman. Kaya naman siguradong, mas marami ang sa kanya ay humahanga. Karapat-dapat naman kasi siyang hangaan dahil talaga namang napakaguwapo niya. Kaya naman naging girlfriend niya si Elisse Joson. Iyon nga lang, hindi naman lahat ng lovestory ay nagtatapos sa happy ending.

Nang makasama kasi si Jerome sa daytime series na Be Careful with my Heart, kinailangan niyang mag-concentrate ng husto sa kanyang career kaya minabuti na lang niyang wakasan ang pakikipagrelasyon kay Elisse. Hindi naging maganda ang pagtatapos ng kanilang samahan kaya sumama ang loob sa kanya ng dalaga pero dahil sa kinailangan nilang mag-move on. Kaya lang kung minsan ay naging mapaglaro ang tadhana dahil kinailangan nilang muling magsama sa kanilang seryeng The Good Son. Gayunpaman, nagpaka-professional pa rin sila at nagawa nila ang kanilang trabaho.

Narito nga pala ang ilang project na nagawa ni Jerome…

Movie

The Ghost Bride

Haunted Mansion

 

Television

*2017*

The Good Son

Ipaglaban Mo: Sementado

Maalaala Mo Kaya: Tahanan

 

*2016* 

Maalala Mo Kaya: Pintura

Wansapanataym: Candy’s Crush

Ipaglaban Mo: Tapat

Ipaglaban Mo: Peligro

 

*2015* 

Pangako Sa’yo

Nasaan Ka Nang Kailangan Kita 

*2012-2014*

 Be Careful with my Heart

Joshua Garcia Bio

Mylene Dizon Bio

Eula Valdez Bio

Nash Aguas Bio

More Bio’s

More TV Reviews

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here