Binubugbog ng mga amo

0
155

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Latest posts by Jhen Dechilla (see all)

Mahirap ang mangibang bansa, ito ang katotohanang naranasan ko noong nasa Abu Dhabi ako. Kahit naman mapalad ako at nagkaroon ako ng mabait na amo, hindi pa rin dahilan iyon para magawa kong masabi na ituloy mo na rin ang pangingibang bansa mo tutal, malaki naman ang kita. Hindi naman kasi maaaring ang kapalaran ko ay maging kapalaran mo dahil hindi naman lahat ng among dayuhan ay mababait.

O, para pag-isipn mo kung mangingibang bansa ka, makabubuting basahin mo ang malungkot na sinasapit ni Hazel Ramos. Ayos sa FB post ng mga ka-group niya sa Pinoy OFW ay nanghihingi siya ng tulong para siya ay makauwi na sa Pilipinas dahil hindi na niya kaya ang sobrang pananakit sa kanya ng amo niyang babae. Tapos pinagbibintangan pa siya nitong nagnakaw ng alahas nito gayung ang totoo naman pala ay ang lalaking anak ng amo niya ang kumuha at inilagay sa bag niya.

Kung minsan kapag nanonood tayo ng mga teleserye, sinasabi nating palasak na ang mga ganitong eksena. ‘Yun naman pala ay maaari rin palang mangyari sa’yo. At iyon nga ang nangyari kay Hazel. Kahit sabihin niya sa amo niyang babae na hindi naman siya ang kumuha ng relong nawawala nito ay hindi siya pinaniwalaan. Siyempre, nakita sa kanyang mga gamit kaya nakaranas siya ng kalupitan sa kamay nito.

Hindi lang isang sampal ang kanyang nakuha kundi marami hanggang sa magdugo ang kanyang ilong. Tapos, hindi lamang ang amo niyang babae ang nananakit sa kanya, pati rin ang amo niyang lalaki. Nang ma-misplace nito ang card nito ay itinulak siya at pinagsasampal ng kung ilang beses. Sa sobrang pananakit ng mga amo nito sa kanya pakiwari ni Hazel ay hindi na niya kakayanin pang manatili sa poder ng kanyang amo. Kaya nga lang ay ayaw naman siyang paalisin ng mga amo. Naisip niya na siya ang perpektong punching bag ng mga ito.

Kaya, siya ngayon ay naghahagilap ng makatutulong sa kanya na makaalis sa mga amo nito. Baka raw kasi mamaya ay hindi lamang bugbog ang maabot niya sa kamay ng mga amo niya. Siyempre, kapag masyadong in-enjoy ng mga ito ang pambubugbog sa kanya ay maaaring maaaring mangyari. Dahil nga sa gusto pa niyang mabuhay, gusto na niyang umuwi ng Pilipinas. Ang tanong nga lang, mapapansin nga ba ang kanyang hinaing.

Sana naman ay huwag lang mapansin ang mga OFW na nagrereklamo ng kanilang kalagayan sa abroad kapag nakasilid na sila sa kahon. Habang sila ay humihinga, sana naman ay pagkalooban sila ng tulong.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here