Bilang Ng Mga Namamatay Sa Sakit Na 2019 NCOV, Tumaas

Mahigit walong daan na ang tinamaan ng sakit sa buong mundo habang dalawampu’t lima na ang namatay sa kumakalat na 2019 NCOV o Novel Coronavirus. Sa Pilipinas ay wala pa namang kumpirmadong kaso ang naitala subalit pinaghahandaan na rin ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na makapasok ito ng tuluyan sa ating bansa. Sa kabila naman ng pangamba ng mga mamamayan lalo na sa Wuhan China kung saan ito laganap ngayon ay hindi pa idedeklara ng World Health Organization na public health emergency of international concern ang 2019 NCOV, ito ay ayon sa naging pahayag ni Dr.Tedros Adhanom Ghebreyesus  (World Health Organization Director-General.) sa pagpupulong na ginanap sa Geneva Switzerland. Pero ayon naman kay USEC Eric Domingo ng Department of Health ay itinuturing na nila itong emergency.

Sa ngayon ay hinihintay pa nila ang resulta ng confirmatory test sa 2019 NCOV ng limang taong gulang na bata sa Cebu na hinihinalang nagtataglay ng sakit na ito. Siya pa lamang ang itinuturing na PUI o person under investigation pero bukod sa kanya ay  isa pang tao ang nakitaan ng sintomas nito. Isang banyaga na edad tatlumpu’t anim na nanggaling din sa Wuhan at na-admit sa ospital ng Tacloban kagabi. Subalit nilinaw din ni Domingo na hindi porket ikaw ay may trangkaso ay positive ka na sa 2019 NCOV. Lalo pa at sa panahon na ito ay uso talaga ang flu. Ang mga dapat lang daw sumailalim sa masusing konsultasyon ay yung may mga history ng pagbibiyahe sa China partikular sa Wuhan. Kung ikaw naman ay nagbabalak bumyahe patungo sa China kung saan laganap ito ay mabuti pang ipagpaliban mo na lang kaysa naman malagay pa sa peligro ang iyong kalusugan at baka pati buhay mo ay mawala pa. Lalo at wala pang lunas ang sakit na ito. Laging tatandaan na prevention is better than cure. Kaya mag-ingat sa lahat ng oras.

SHARE
Previous articleANG KONGRESO NG MGA EXORCISTS SA BANSANG POLAND
Next articlePanaginip Na Ikaw Ay Naiwan sa Kagubatan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here