Biktima ng Malupit na Mundo: Kpop Star Sulli Found Dead at Her Home

Ilang araw pa lang ang nakalilipas ay ginunita ng buong mundo ang Mental Health Awareness Day, marami ang nagpa-abot ng mga mensahe ng pagsuporta ng mga tao sa kahalagahan ng mental health katulad ng depression, anxiety at iba pa. Nagdaan ang mga araw matapos ang pag gunita na ito, isang patunay na hindi pa rin talaga tayo aware sa bagay na ito, ang gumulat sa mga tao sa buong mundo.

Ang 25-year old KPOP Star na si Sulli ay natagpuang patay sa kanyang tahanan sa South Korea at pinaniniwalaang nagpakamatay dahil sa matinding depression. Si Sulli ay former member ng isang sikat na girl group na f(x).

Ayon sa report, si Sulli ay nakararanas ng matinding depresyon dahil sa masasakit at mga abusive online comments, cyber bullying at mga paninira sa kanya ng ilang mga netizens na nagsimula pa noong 2014.

Si Sulli ay kilala sa kanyang pagiging outspoken at paglaban sa karapatan ng mga kababaihab. Sa kabila ng kanyang pagiging masiyahin, mababang loob at maaliwalas na mukha, hindi natin alam sa kabila ng kanyang kasikatan ang bigat ng kanyang nararamdaman na umabot na sa puntong kaya na niyang kitilin ang sarili niyang buhay.

Napakalupit ninyo, mga taong walang ginawa kundi ang magpuna ng dungis ng iba. Maging dito sa ating bansa, kitang kita ang katoxican ng mga tao sa social media sa tuwing mayroong mga taong magpapahayag ng opinyon nila na hindi natin sinasang-ayunan. Ang nakakatawa, kayo pa mismong mga nagsasabing sumusuporta sa mental health awareness ang numero uno sa pamba-bash at pagbibitaw ng katakot takot na mga masasakit na salita sa mga taong hindi natin nais.

Subukan niyong tingnan ang katotohanan, sa kahit saang mga post sa social media dito man sa Pilipinas o sa ibang bansa asahan mo, mayroon at mayroong mga walang pusong tao na akala mo ay perpekto, na ang trabaho na lamang yata ay magpuna ng dungis ng iba pero kayo mismo, kasing-dumi ng kanal ang mga pag-uugali niyo.

Madalas, husgado tayo sa mga bagay na tayo mismo ay guilty rin. Madalas, ang lakas natin manlait at mangpuna sa mga nakikita natin sa isang tao na tayo mismo ay ganoon rin naman. Kadalasan, ang Freedom of Speech ay inaabuso na natin para sirain ang pagkatao ng iba. Itigil na natin ito, dahil katulad rin kayo ng mamamatay tao kung kayo ay may naiambag sa kamatayan ng isang tao sa talim ng pananalita niyo.

Sa mga taong nakauunawa naman, patuloy tayong maging sensitibo sa mga taong nakakasama natin. Marahil ay okay lang sila sa panlabas na anyo at pakikitungo, pero sa loob pala nila ay lugmok na lugmok na sila. Hindi kawalan ang oras na ilalaan natin sa kanila, kung isang buhay na mawawala naman ang ating maisasalba.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here