Benham Rise ipasok sa Konstitusyon

NATUKLASAN ang China ang nagbibigay ng pangalan sa mga anyo ng bundok sa ilalim ng karagatan ng Benham Rise. 

Malinaw na pumopostura ang China sa pag-okupa sa naturang teritoryo ng Pilipinas. 

Dapat ay direktang banggitin sa probisyon ng “National Territory” ng Pilipinas ang karagatan ng Benham Rise upang isapormal ang pag-angkin dito. 

Walang ibang solusyon dyan. 

Dapat ay direkta na ring tukuyin  ang Bajo de Masinloc, Pagasa Island, Ayungin Shoal at iba pang isla sa Spratlys sa naturang probisyon. 

Mas dapat ay direkta ring isama sa probisyon ang Sabah sa North Borneo imbes na pasaring o pahiwatig lamang sa mga nagdaang Saligang Batas. 

Mahalagang matukoy ito sa loob ng Konstitusyon upang maipakipaglaban ito ng mga susunod na henerasyon. 

Isa ito sa kahalagahan ng Konstitusyon dahil  direktang nagsisilbing inspirasyon, adhikain at ideolohiya ng mga Pilipinas ang anumang nakatitik sa Saligang Batas. 

Hindi ito nauunawaan ng mga kongresista sa pag-aakalang ang simpleng pagyakap  sa Federalismo ay makareresolba sa problema ng bansa. 

Isang kamangmangan yan. 

Isang pambobola yan sa katinuan ng mga mamamayang Filipino. 

Ang ideolohiyang maka-Filipino ang dapat lamang itinititik sa Konstitusyon kaya’t kung ang mga mambabatas ay walang pagmamahal sa bayan, sila ay simpleng mga palsipikong gumagawa ng batas. 

Peke ang Konstitusyon na mabubuo ng mga mambabatas na walang pagmamahal sa Inang Bayan. 

Papalitan din agad ang pandepot na mabubuo ng ConAss sa mga susunod na henerasyon. 

Malinaw na pag-aaksaya lang yan ng panahon at salapi ng bayan.

SHARE
Previous articleHoroscope, Pebrero 25, 2018
Next articleSnapchat, Nawalan ng $1.5 Billion dahil sa Pag-Alis ni Kylie Jenner
DANILO C. AMBROCIO, kilala rin bilang Ka Ambo, may tatlong dekada sa larangan ng pamamahayag at may 10 taon sa serbisyo-publiko bilang public official.Aktibong publisher, editor, columnist at writer sa limang pangunahing pahayagan kung saan aabot sa mahigit isang milyon ang sumusubaybay araw-araw sa kanyang mga artikulo sa magkakaibang topic at larangan.Nagsimula sa pagiging reporter bago naging chief proofreader, sports editor, editor-in-chief at publisher. Nagtapos ng Human Development and Community Management Scholarship grant sa ilalim ng UP-DAP-MHS at graduate sa kursong Bachelor in Public Administration sa Pamantasan ng Lunsod ng Maynila (PLM) na bilang topnotcher sa graduating class.