Benefits Of Milk Tea

Sa panahon ngayon, napakarami na ang nahihilig sa milk tea. Iba’t-ibang flavor na rin nito ang naglabasan. May mga naaadik pa nga dito, to the point na parang hindi kumpleto ang araw nila kapag hindi nakainom ng milk tea. May mga issue na lumabas na hindi ito nakakabuti sa ating kalusugan. Totoo naman at hindi natin iyon maikakaila. Tulad na lang ng mga sumusunod.

1.Nutrients deficiencies

2.Bloating

3.Addiction

4.Dehydration

Gayunpaman, may mga benepisyo pa rin naman tayong makukuha mula rito at ang mga ito naman ay ang mga sumusunod.

1.Softer skin

Tumutulong ang gatas sa pagpapabuti hindi lamang ng ating kalusugan kundi maging sa pagpapaganda rin ng ating balat.

2.Reduces stress

Nagagawa ng gatas na bawasan ang ating tension anuman ang pinanggagalingan nito. Narerefresh nito ang ating kaisipan kaya’t ang stress hindi man tuluyang mawala ay at least nababawasan.

3. Lose weight

Kung gusto mo naman na mabawasan ang iyong timbang ay matutulungan ka rin ng milk tea. Ito ay dahil sa taglay nitong polyphenol at caffeine na siyang nagtatrabaho para mabawasan ang iyong timbang.

4. Good for heart

May buti ring maidudulot sa puso mo ang pag-inom ng milk tea kung aalalayan mo lang ang pag-inom nito.

5.Good mood enhancer

Kapag nagustuhan mo ang lasa at nalaman mo ang mga benepisyo ng milk tea, siguradong magugustuhan mo na rin itong inumin. Awtomatikong makakaramdam ka ng saya kapag umiinom ka nito tulad na lang ng nararamdaman mo kapag nakakain mo ang paborito mong pagkain.

6.Anti-Inflammatory

Ang milk tea ay nagtataglay ng anti-inflammatory agent na siyang gumaganap bilang anti-oxidant sa tea. Kung may advantage at disadvantage ang pag-inom natin ng milk tea, nararapat lamang na maging alalay lamang tayo sa pagkonsumo nito.Dahil lahat naman talaga ng sobra ay nagdudulot na ng hindi maganda. Kailangan din na bantayan natin ang sarili nating kalusugan dahil kung minsan ay hindi pare-pareho ang pagtanggap ng ating katawan sa mga pagkain at inumin na kinokonsumo natin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here