Beauty Tips; Natural na Pangangalaga sa Kamay at Kuko

0
80

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Bukod sa buhok at kilay, isa rin sa pinakaiingatan ng mga kababaihan ay ang kanilang mga kuko. May iba’t-ibang kyutiks at mga kung anu-ano pang pampaganda silang ginagamit para lang maging presentable ang kanilang kamay at kuko. Lalo na kung panahon ng Valentines na uso ang hawakan ng kamay ng mga lovers. Pero hindi maiiwasan na masira ang mga kuko, tumigas at mangapal ang mga kamay kung ang isang babae ay banat sa mga gawaing bahay tulad ng paglalaba at paghuhugas ng pinggan. Pero hindi naman dapat malungkot ang mga momshies at mga ateng dahil may solusyon naman ang kanilang problema. At ang solusyon ay makukuha lang nila sa loob mismo ng kanilang  kusina o kung wala naman ay maaari ring mabili sa mababang halaga. Ito ay ang mga natural na pampaganda ng kamay at kuko.

1.Para sa pagpapalambot ng kamay- Asukal, gata at kalamansi. Ito ang tatlong sangkap na hindi malabong nasa loob lang ng iyong kusina. Kailangan mo lang tantsahin kung gaano karami ang magagamit mo. Yung pwede mong pagbabaran ng iyong kamay habang minamasa-masahe ito sa loob ng sampu o mahigit pang minuto. Kung sa tingin mo ay nararamdaman mo na ang lambot ng iyong kamay ay banlawan mo na ito.

2.Para sa pagpapaputi ng kamay- Fresh milk, lemon at baking soda naman ang dapat mong gamitin kung nais mo na pumuti ang iyong mga kamay. Malamang ay nasa kusina mo rin ang mga sangkap na ito. Tulad sa naunang proseso ay kailangan mo lang din na paghalu-haluin ang mga ito at imasahe sa iyong mga kamay. Hayaan mo lang itong nakababad ng labinglimang minuto o mas higit pa kung nais mo at saka banlawan.

3.Pampatibay ng mga kuko. Kung ang iyong mga kuko naman ay walang tibay na maaasahan, para tumibay ito ay dalawang sangkap lang ang kakailanganin mo. Coconut oil at bawang. Ang coconut oil ay haluan mo ng dinikdik na bawang at saka mo itubog doon ang iyong mga kuko. Limang minuto lang ay sapat na.

Kung nais nyo na mas higit na maging epektibo ang mga pamamaraang ito ay maaari nyo itong ulit-ulitin hanggang sa makita nyo ang the best na resulta. fffff

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here