Beauty Tips; Kutis Summer

0
168

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Summer na at super init. Kaliwa’t kanan ang mga outing pero hindi ka makagora. May pera ka naman, may maganda ka namang bathing suit. Isa lang naman ang problema mo, hindi maganda ang iyong kutis kaya nahihiya kang ibandera ito. Pero may paraan naman e. Narito ang ilang tips na maaari mong gawin.

1.Gumamit ng mga herbal na pampakinis ng kutis. Dito sa Pilipinas, napakayaman natin sa mga herbal na nakakatulong hindi lang bilang gamot kundi nakakatulong din sa pagpapaganda , pampaputi at pampakinis ng ating kutis. Ang kailangan lang natin ay tiyaga sa paggamit ng mga ito. Kung tamad ka ay hindi mo maa-achieve ang kutis na gusto mo. Ang mga natural na produktong magagamit mo na hindi mo na kailangang gumastos ng mahal ay ang mga sumusunod;

KATAS NG PATATAS. Ang katas ng hilaw na patatas ay maaari mong magamit para sa pagpapaputi ng iyong balat. Ito ay nagtataglay ng Vitamin  C at Vitamin B6 na siyang tumutulong para sa cell formation.Mayroon din itong enzyme na nakakatulong naman sa pag-aalis ng mga dark spots at pekas.

KALAMANSI. Ang balat at katas ng Kalamansi ay may alkalizing effect sa ating katawan kaya hindi nakapagtataka kung bakit sobrang epektibo nito sa pagpapaputi ng balat. Iwasan lang ang magbilad sa araw kung gagamit ka nito. Mas mainam itong gamitin bago maligo at bago matulog.

SABILA. Ang sabila ay mainam sa pagpapagaling ng mga karamdaman kasama na ang hindi magandang kondisyon sa balat. Kilala ito bilang pampaputi ng balat.

2.Uminom ng maraming tubig. Pinakamainam pa rin ang tubig kung pagdedehydrate ng balat ang pag-uusapan. Bagamat hindi nakakapagpaputi ang pag-inom ng tubig, ito naman ay nakapagpapaganda ng kalusugan ng ating balat. Kung malusog ang ating balat ay magiging mas madali para sa atin ang magpakinis at magpaputi.

3.Iwasan ang paninigarilyo. Bukod sa sinisira nito ang ating baga, ang paninigarilyo ay may hindi magandang epekto rin sa ating balat. Kapag labis ang iyong paninigarilyo ay matutuyot ang iyong balat at mangungulubot.

4.Kumain ng masustansiyang pagkain. Ang mga pagkain na mayaman sa bitamina A,C at E ay may malaking tulong para lumusog, gumanda at pumuti ang ating balat. Ang mga prutas at gulay ang siyang nagtataglay ng mga bitaminang ito.

SHARE
Previous articlePamahiin; ALAK
Next articleChinese Horoscope; Abril 24
Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here