Beauty Magic Rituals

0
712

Lahat tayo ay naghahangad na maging kaaya-aya sa paningin ng iba.

Ang beauty magic ritual na aking ituturo sa inyo ay tunay na epektibo. Pumili lamang ng isang rituwal na sa tingin ninyo ay angkop o bagay sa inyong pangangailangan.

Kung magagawa ng tama o wasto ang mga beauty magic ritual na naririto, makatitiyak kayo ng positibong epekto.

Rose Petals Beauty Ritual

Ang ritual na ito ay makatutulong upang ikaw ay maging attractive at mag-radiate ang iyong inner beauty. Sa ritual na ito, kailangan ng anim na sariwang rose petals, anim na kandilang kulay pink, at lavender incense. Kahit anong araw o oras ay maaaring umpisahan ang rituwal. Punuin ang isang timba ng maligamgam na tubig. Ihalo doon ang mga petals. Sindihan ang mga pink candles at lavender incense. Habang ibinubuhos ang tubig sa inyong katawan, pumikit at i-visualize sa isipan na ikaw ay napaka-attractive na tao at lahat ay humahanga sa taglay mong kagandahan/kagwapuhan. Ipagpatuloy ang pagbubuhos ng tubig hanggang sa ito ay maubos. Maaaring gawin ang ritual isang beses kada linggo.

Full Moon Beauty Ritual

Palalakasin ng rituwal na ito ang iyong sex appeal sa opposite sex. Kailangan lamang ng isang hand mirror, itim na tela, isang silver candle, isang red candle, isang orange candle, at rose oil.

Gawin ang rituwal na ito sa gabi na ang buwan ay nasa kaniyang kabilugan o full moon. Humanap ng isang tahimik na lugar sa labas ng bahay kung saan ikaw ay masisinagan ng liwanag ng buwan. Sindihan ang tatlong kandila. Ipahid ang rose oil sa bahagi o parte ng katawan na gusto mong mapaganda, halimbawa nga ay ang buong mukha mo, braso, balikat, dibdib, tiyan, hita, at iba pa, depende sa iyong kailangan. Hawakan ang salamin sa gamit ang kaliwang kamay at saka ito itaas sa ibabaw ng iyong ulo, na nakaharap sa bilog na buwan. Bumilang ng 60 times, o katumbas ng isang minuto. Pagkatapos ay saka tingnan ang repleksiyon sa salamin at saka usalin, “kapangyarihan ng buwan ikaw ay mapasaakin. Gawin akong kabigha-bighani.”, ng tatlong beses. Pagkatapos ay itapat ang salamin sa bahagi ng katawan na gusto mong gumanda. Ibalot ang hand mirror sa isang  item na tela pagkatapos ng rituwal at saka ito itago. Patayin ang kandila. Pakaingatan ang salaaming ginamit sa rituwal dahil kapag ito ay nabasag, mawawala na rin ang bisa ng rituwal.

Blood Beauty Ritual

Ang rituwal na ito ay maghahatid sa iyo ng napakagandang aura na para bang blooming ka lagi. Magiging attractive o kaakit-akit rin kayo sa paningin ng lahat, particular na ng opposite sex. Sa rituwal na ito, kailangan lamang ng isang karayom, isang maliit na papel, ang isang pink o red candle.

Isa sa pangunahing requirement sa rituwal na ito ay ang hindi ka takot sa dugo. Sindihan lamang ang kandila. Pagkatapos ay tukusin ang inyong hinlalaki o thumb at hayaang pumatak ang dugo ng tatlong beses sa papel. Itupi ang papel na may dugo at saka ito sunugin sa kandila. Pagkatapos ay pumikit at saka i-visualize na nalulukuban ng pink light ang buo mong pagkatao. I-affirm mo rin na ikaw ay magiging maganda/guwapo at kaakit-akit. Gawin ang ritual ng kalahating oras. Kapag tapos na, patayin na ang kandila. Ngunit huwag hihipan ang kandila para ito ay mamatay. Maaaring gamitin mong pangpatay ang iyong daliri o kaya ay metal spoon.

Ang epekto ng rituwal ay depende sa tao at sa kaniyang pananampalataya sa rituwal na kaniyang ginawa. Karaniwan na bibilang ng linggo, hanggang isang buwan, bago mo makita o maramdaman ang epekto ng beauty magic ritual.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here