BATONG HIYAS

Noong unang panahon, ang mga tao ay lubos ang paniniwala sa kapangyarihan ng mga hiyas. Iba’t-ibang suwerte ang pinaniniwalaan nilang naibibigay sa kanila ng iba’t-iba ring mga uri ng bato. Bukod sa pagiging palamuti ay ginagamit din nila ito bilang gamot sa mga karamdaman. Sa kasalukuyan, kahit tayo ay nabubuhay na sa mga makabagong kagamitan, marami pa rin ang naniniwala sa kakayahan ng mga hiyas na bato.

Alamin natin ang kaugnayan ng mga batong hiyas sa pamahiin at ang kakayahan nito.

AGATE

Ang agate ay may kakayahan na mailigtas ka sa kapahamakan.May kakayahan din ito na magpatigil ng bagyo. May mga naniniwala na ang agate ay makakatulong din na makita mo ang iyong hinaharap. Pinaniniwalaan din na kung susuotin mo ang agate, hindi ka makakaramdam ng pagkauhaw at may kakayahan din na gamutin ang isang taong bulag.

AMAZON

Kung ikaw ay nagtataglay ng amazon, ang suwerte ay mapapasaiyo saan ka man magpunta. Hindi ka magagawang lapitan ng malas at kung ikaw man ay malasin ay agad din itong mawawala dahil sa taglay mong amazon.

AMBER

Ang amber naman ang siyang magpoprotekta sa’yo laban sa mga mangkukulam. Sinasabi rin na ang amber ay makakatulong sa’yo para pagalingin ang iyong sore throat, matutulungan ka na madagdagan ang iyong timbang at nakakapag gamot din ng bulag.

AMETHYST

Kung nais mo naman na makatulog ng mahimbing at marelax ang iyong isip, amethyst ang siyang makakatulong sa’yo. Gayundin kung ikaw ay may nararamdaman na pananakit ng katawan.

AQUAMARINE

Ang mga naniniwala sa pamahiin ay siguradong magkakainteres sa aquamarine, dahil ito ay pinaniniwalaan na may kakayahan na makapagbasa ng isip ng isang tao. Pinaniniwalaan din na kaya nitong panatilihin ang kagandahan ng panahon gayundin na pagandahin ang itsura ng taong may suot nito. May suwerteng hatid din ito sa mga manunugal.

EMERALD

Ang emerald naman ay nakapagdadala ng ulan at nakapagbibigay din ng proteksyon laban sa mga karamdaman.

FLINT

Ang flint ay kailangan mo lang ipuwesto sa pintuan at magagawa na nitong itaboy ang anumang kamalasan na nagbabadyang pumasok sa inyong tahanan.

GARNET

Sa mga broken hearted, garnet ang hiyas na bagay sa inyo dahil may kakayahan itong makapagpaibig ng tao. Nakakapagprotekta rin laban sa mga magnanakaw.

GRANITE

Ang granite naman ay may kakayahan na palakasin ang iyong puso subalit pinahihina naman nito ang iyong pag-iisip.

LOADSTONE

Kung proteksyon sa paglalakbay ang nais mo, piliin mo ang loadstone. Magiging magaan ang iyong paglalakbay at malalayo ka sa kapahamakan sa daan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here