BATAS NG KARMA

101

Naniniwala ka ba sa karma? Ang karma ay bunga ng ginawang aksyon na may maganda at hindi magandang intensyon, ito ang kahihinatnan sa hinaharap. May tinatawag na good karma,na ayon pa sa kasabihan, kung mabuti ang iyong itinanim ay mabuti rin ang iyong aanihin. Pero kadalasan ang karma ay ipinapalagay na resulta ng hindi mabuting gawa. Marami pa rin ang mga taong hindi naniniwala sa karma kung kaya’t patuloy silang gumagawa ng masama. Walang iniisip kundi ang pansarili. Sila yung mga taong tuso. Ang ibig sabihin ng tuso ay nanlalamang sa kapwa sa pamamagitan ng maling pagdiskarte. Iniisahan ang kanyang kapwa para sa kanyang sariling kapakanan. Marami akong kilalang tao na may ganitong pag-uugali at karamihan sa kanila ay nalasap na ang batas ng karma.

Narito ang ilang batas ng karma;

Paglikha- Ang ating buhay ay hindi lang basta nagaganap. Mayroon tayong malaking partisipasyon sa kung ano ang mga nangyayari sa ating buhay. Tayo ang lumilikha ng buhay na gusto natin. May mga direksyon tayong pagpipilian at nasa atin ang pagkakataon kung anong daan ang ating tatahakin, ang patungo ba sa kanan o sa kaliwa?

Pagpapakumbaba- Hindi natin mababago ang isang tao. Kaya kailangan natin siyang tanggapin sa kung ano siya. Kung puro negatibo ang pagtingin natin sa ibang tao ay hanggang doon na lamang tayo at hindi natin maitataas ang ating level sa pagkilala ng uri at kakayahan ng isang tao.

Pagiging responsable- Kailangan natin maging responsable sa anumang pagsalita at pagkilos na gagawin natin. Kung may bibitawan tayong salita dapat ay yung kaya nating panindigan. Ganoon din kung may gagawin tayong aksyon, kailangan handa tayong harapin anuman ang kahihinatnan nito.

Ilan lamang ang mga ito sa napakaraming batas ng karma na hindi man natin napapansin ay tiyak namang umiiral sa mundo. Sa panahon ngayon ay nakikiuso na rin ang karma, digital na rin ito. Mabilis na ang proseso kaya sa mga gumagawa ng kalokohan diyan, huwag kayong makampante dahil anuman ang hitsura nyo at anuman ang estado nyo sa buhay ay walang nakakaligtas sa batas ng karma.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here