BASURA AT TERORISMO

0
481

edmar recto

Birthdate: January 21, 1955
Birth place: Batangas
Current address: Camella III, Muntinlupa city.
Writer and poet.
Pen name Torex

Latest posts by edmar recto (see all)

Basurang tinapon sa kung saan saan,
Malaking problemang hindi malunasan,
Kahit na anu pa ang maging paraan,
Walang pagbabago pabalik balik lang.

Totoong ang tao’y walang disiplina,
Na kung tutuusin ay walang problema,
Ngunit hindi lahat ay nakikiisa,
May sariling gusto ayaw makisama.

Oo nga’t Gobyerno ang may katungkulan,
Na disiplinahin ang bayan ni Juan,
Ngunit ningas  kugon na sa umpisa lang,
Ay naglalagablab dagli ring namatay.

Ang ating basura kung di malulutas,
Tatabunan tayo lalangoy sa burak,
Kung walang maayos na gagawing batas,
Ang mundo’y mistulang dambuhalang layak.

Tulad ng basura bakit di malutas,
Mga teroristang sa mundo’y nag kalat,
Sila’y mga salot kalaban ng batas,
Hindi rin masupil ano ba ang dapat?

Tulad ng basura tao ang dahilan,
Kanya kanya tayo iba ibang asal,
Sa paniniwala at paninindigan,
Kung di ka kaniig ikaw ay kalaban.

At ang terorista habang pinupuksa,
Bakit dumarami hindi masawata,
At sa buong mundo mayaman mang bansa,
Merong kaguluhang nauwi sa digma,

Kaya’t kung basura mahirap sugpuin,
Na gawa ng taong hindi masunurin,
Kung ang terorista’y di rin masusupil,
Ang mundo’y magiging planetang madilim.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here