Barbie Doll Inspired Makeup

0
224

Si Barbie ay naging parte na ng buhay ng mga batang babae simula noong 1959. Na para bang ang walang katapusang manikang ito ay naging inspirasyon na ng mga tao sa maraming paraan kasama na rito ang napapanahong make-up. Tuklasin ang detalye tungkol sa napapanahong Barbie make-up.

Ang Barbie ay at tila ba isa parin sa pinaka paburitongmanika na nilalaro ng mga babae. Ang pinaka unang manikang Barbie ay inilabas 50 taon ng nakalipas, noong 1959 sa United States of America. Ang Barbie doll ay naging parte na ng kabataang ng nakararaming kababaihan,  ito siguro ang ang dahilan kung bakit ito tumatak sa ating isipan. Ito ang isa sa pinaka maganda at interesanteng manikang disenyo noong araw, at maging sa ngayon. Ito ang manika na maaaring alalahanin bilang manikang nagbibigay ng ngiti sa muka ng mga batang babae dulot ng perpektong pag kakaparte ng kanyang katawan, napakagandang buhok at mga damit.

Ang Barbie doll ay naging modelo para sa mga babae sa murang edad palamang. Ito ay ikinonsidera upang maging simbulo ng pagkababae at istilo,mga bagay na nag ambag sa tagumpay ng manika.

Dahil nga sa ito ay pinahahalagahan na sa buong daigdig ang mga tao ay nagsimulang gawing inspirasyon ang makeup,buhok at istilo ng pananamit ni Barbie.Ang kanyang makeup ay katamtaman lamang, nakakapangakit ngunit nananatiling sexy, ang babaeng-babaeng make up na nakakapanghalina sa mga kababaihan.

Ang make up na hinango sa manikang Barbie ay napaka babaeng babaeng make up, ang make up na kita at kaakit akit. Ang mga kulay na ginamit ay katamtaman ,at matitingkad na kulay, makinang at matte, depende sa nais o persepsyon ng indibidwal. Maaaring katamtaman lamang ang makeup sa paraan ng pag gamit ng mas kakaunting kolorete lamang at kung nais mo ng mas makapal na make up ay magagawa mo ito sa pag gamit ng mas madaming kolorete . Ang karaniwang mga kulay na ginagamit sa pag likha ng inspired Barbie look ay katamtamang pink,mapusyaw na pink, rapsberry, berde, kahel, lila at iba pa. Mas maganda kung pastel ang kulay na gagamitin dahil si Barbie ay kilala sa pagpapahayag ng kasiyahan at may magandang panlasa.

Upang makalikha ng Barbie look, maaari kang maglagay ng powder foundation kung ikaw ay may karaniwang balat o kaya naman ay may oily na balat at liquid foundation naman para sa may tuyong balat. Siguraduhing ang kulay ng foundation ay hahalo ng maayos sa iyong balat upang makaliha ng magandang kompleksyon. Para sa eyeshadow maaari   kang maglagay ng isang kulay lamang o kombinasyon ng nais mong kulay. Ang eyshadow ay maaring powder o kaya naman ay cream, depende sa iyong nais. Ilagay ang eyeshadow ayon sa hubog ng iyong mata upang masiguro na ang iyong mata ay magkakaroon ng maayos na kalinawan. maglagay ng kaunting kulay peach o rosy blush sa iyong pisnge upang magkaroon ito ng mas magandang hubog. I contour ang iyong mata gamit ang kayumanggi or itim na eyeliner para mas maging kita ang mga ito kulutin ang iyong pilik mata gamit ang pangkulot ng pilik mata at mag lagay ng dalawang beses ng mascara. Maglagay ng lipgloss para sa pagtatapos at ikaw ay mag mumukang kaakit-akit

Payo:

Ang Mac Cosmetics ay naglabas ng bagong line na tinawag na Barbie Loves Mac. Kumuha ng inspirayon dito at lumikha ng iyong make up gamit ang mga kulay sa koleksyon

More OFW

More I AM FILIPINO

More K-Pop

More Beauty and Health

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here