BAKIT NGA BA WALANG MERCURY DRUG SA SM SUPERMALLS

927

Alam ba ninyo kung bakit walang MERCURY DRUG sa alinmang branch ng SM sa buong bansa? Ang kuwento, noong nagsisimula pa lamang si Henry Sy, pinaalis ang maliit na puwesto niya sa harap ng Mercury Drug. Mula noon, isinumpa ni Henry Sy na darating ang panahon, siya naman ang magpapaalis sa Mercury Drug. At nangyari nga. Dahil wala ni isang Mercury Drug branch na pinayagan si Henry Sy na makapuwesto sa kaniyang mga mall.

MORAL LESSON: Huwag gagawa ng mga ka-cheapan na bagay para lang makaganti. Sa halip, palakasin, patatagin, paunlarin, at pagymanin mo ang iyong pagkatao. Hanggang sa dumating ang araw na nasa kamay mo na ang pagpataw ng hustisya sa kaapihang sinapit mo sa isang tao. Ang tawag doon, KARMA. Hindi iyon paghihiganti sapagkat ang batas ng Karma ang umiral. At ikaw ang naging instrumento para maigawad ang karapat-dapat na karma.

Bilog ang mundo. Kaya mabuti na tratuhin mo nang maayos at makatao ang kapuwa mo para hindi na dumating ang panahon na ipatikim pa sa iyo ang sitwasyon ng kapuwa mo para maunawaan mo ang kalagayan niya.

Sa mga inapi naman, huwag nang mag-abala pa na gumawa ng mga kababawang bagay para lang makaganti tulad nang paninira. Sa halip na mag-focus at ubusin mo ang enerhiya mo sa kaiisip kung kung paano makagaganti, ayusin mo na lang ang buhay mo. Palakasin mo ang aspeto kung saan ka nilalait ng kapuwa mo. Iyon ang kahinaan mo kaya iyong ang remedyuhan mo. Fair naman lagi ang universe. Darating ang panahon, igagawad rin ang karapat-dapat na hustisya sa iyo. At kung talagang sinusuwerte ka pa, baka ikaw pa ang magbigay ng karma sa kapuwa mong umapi-api sa iyo.

Tunay na magpaglaro ang buhay. Pero tatandaan: walang nangyayari nang aksidente. Lahat nang kaganapan sa buhay ay alinsunod sa 12 Batas ng Universe—at isa na roon ang Karma.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here